1 patay, 7 sugatan sa water tank explosion

Published

BULAKAN, Bulacan– Hindi na umabot ng buhay sa Gregorio Del Pilar District Hospital ang isang water pump operator ng Bulakan Water Company Inc., ang water district ng bayang ito matapos na tamaan ito ng sumabog na tangke ng tubig ng nasabing tanggapan kahapon ng umaga sa Barangay Bagumbayan. 


Sa report na inilabas ng Bulacan Provincial Police Office, kinilala ang biktima na si Ryan Mangio, pump operator ng Bulakan Water Company Inc..sa water tank warehouse nito sa Barangay Bagumbayan..


Nasa malapit na lugar si Mangio sa nasabing tangke ng tubig ng bigla itong sumabog bago mag ala-7 ng umaga. Ang kasamahan naman nito na si Eduardo Carpio, plumber, Ricardo Sulit, pump operator na mula rin sa Barangay Bambang at sina Milagros Tiondoc, Jennifer Esteban, Joselito Esteban, Jomar Esteban at isang nagngangalang Regine mula naman lahat sa Barangay Bagumbayan ay kasalukuyang nilalapatan pa rin ng lunas sa nasabing hospital sa bayang ito. 


Ilang nakaparadang mga sasakyan din ang tumilapon sa irrigation canal sa lugar at tatlong katabing bahay ang na-damage dahil sa lakas ng impact ng nasabing pagsabog. 


Ayon kay Bulacan Police Director Col. Manuel Lukban Jr., sa inisyal na imbestigasyon ay lumalabas na maaring nagmula sa high pressure build up at maaari ring poor maintenance sa nasabing may kalumaan ng water tank ang dahilan ng pagsabog. 

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Who is the Most Famous Motivational Speaker?

Motivational speakers inspire (1), uplift, and guide people...

Powerful Collaboration: Nusantara Global Network & FBS Revolutionize Trading with Self-Rebate Program

Kuala Lumpur, Malaysia, 19 January 2025 – Nusantara...

Strategic Partnership: Nusantara Global Network & FBS Revolutionize Trading with FBS Rebates

Kuala Lumpur, Malaysia, 19/1/2025 – Nusantara Global Network...

Fitness Beyond the Gym: GoGym’s Holistic Approach to Health and Wellness

GoGym is redefining wellness by adopting a holistic approach...