1,500 Bulakenyo, nakinabang mula sa People’s Caravan ng NHA

Published

LUNGSOD NG MALOLOS– Humigit kumulang 1,500 Bulakenyo ang nakinabang sa iba’t ibang serbisyo ng gobyerno na inilapit sa kanila ng National Housing Authority (NHA) at ng mga katuwang nitong ahensya sa pamamagitan ng People’s Caravan “Serbisyong Dala ay Pag-Asa” na ginanap sa Multi-Purpose Covered Court, Pandi Village 1, Brgy. Siling Bata, Pandi, Bulacan ngayong araw.

Pinasalamatan ni Bise Gobernador Alexis C. Castro ang NHA sa paghahatid ng mga programa nila sa mga Bulakenyo, lalo na sa mga nasa relocation area.

“Hindi na nila kailangang bumiyahe pa. Kumpleto lahat dito. Napakalaking tulong po nito dahil kadalasan po talaga, ang problema nila ay pamasahe at nagta-trabaho para lakarin ang mga concern nila sa kanilang mga bahay,” anang bise gobernador.

Bahagi ng mga serbisyo ng pamahalaan na inihatid sa caravan ang serbisyong medikal mula sa Philippine Red Cross, Philippine National Police, at Bulacan Provincial Medical and Dental Team; oryentasyon ng mga programa at serbisyo ng Department of Labor and Employment, Department of Trade and Industry, Commission on Population and Development, at Technical Education and Skills Development Authority; hands-on training mula sa Department of Information and Communications Technology; Local Recruitment Activity mula sa Public Employment Service Office; konsultasyon mula sa Public Attorney’s Office; KADIWA Pop-up Store mula sa Department of Agriculture; pagpaparehistro sa mga miyembro ng Philippine Statistics Authority, Social Security System, at PhilHealth; at pamimigay ng gamot ng Philippine Amusement and Gaming Corporation.

Bilang pagsuporta sa layunin ng programa, naghatid rin ng iba’t ibang tulong ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan kabilang ang libreng serbisyong medikal at dental sa pamamagitan ng Damayan sa Barangay Movement; konsultasyon sa paggawa ng resume at mga payo sa mga naghahanap ng trabaho mula sa Provincial Youth, Sports, and Public Employment Service Office; at pamamahagi ng 500 punla mula sa Bulacan Environment and Natural Resources Office.

Pinangunahan rin ng NHA ang pamamahagi ng Transfer Certificate of Title sa awardees na nakabayad na ng buo.

Ayon kay Maricel Magdales, anak ng magsasaka at isang awardee, naging posible para sa kanyang mga magulang na magkaroon ng lupa dahil sa abot-kayang pabahay ng gobyerno.

“Mula pagkabata namin hanggang sa may sarili na akong pamilya, isang malaking bagay ‘yun na mayroon kaming tahanan na inuuwian na masasabi naming sa amin na naging magaan sa mga magulang ko na ma-acquire ito dahil nga mura lang siya. Malaking bagay para sa isang mahirap na tao na sa kanyang pagsisikap ay nagkaroon ng titulo ng lupa sa tulong ng NHA,” ani Magdales.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Tacloban’s sweet and special binagol

TACLOBAN CITY—Sixty five year old Viginia Aguilar Orollo on...

Center for Agriculture and and Development (CARD) MRI Center Meeting in Tacloban City

TACLOBAN CITY—CARD MRI officers, members and clients conduct their...

Thai consumers seek new flavors of salty snacks

Companies need to get ready to elevate the snacking...