Sa magkakasunod na isinagawang Police Operation ng Zambales Police Provincial Office sa pamumuno ni PCol. Fitz Macariola, Provincial Director kamakailanlang ay naging matagumpay ang pagkakahuli sa mga sumusunod sa dalawang Most Wanted sa Lalawugan ng Zambales.
Huli si Louie Francisco Suniga, alyas Mark Louie, sa Brgy Dampag Palauig, Zambales na may kategoryang Most Wanted Person (Provincial Level) ng mga miyembro ng Zambales PIU sa pangunguna ni PMAJ Beverlie Allapitan, kasama ang Palauig MPS, 1st PMFC, PIDMU, Masinloc MPS at CIDG Alaminos.
Inaresto ang nasabing akusado sa bisa ng Warrant of arrest na inilabas ni Hon. Judge Arginald Julius C. Esguerra, Presiding Judge of RTC Br 54, Alaminos, Pangasinan para sa kasong rape at may nakasaad na service of sentence.
Isa pang Most Wanted Person (Provincial Level) na si Francis Diñoso na may kasong paglabag sa RA 7610 ang napasakamay ng batas.
Umaga ng Peb. 18, nadakip ang akusado sa Brgy. Panayonan, Candelaria, Zambales ng mga operatiba ng CIDG PFU Zambales, Candelaria MPS at 302nd Zambales MARPSTA, sa bisa ng Warrant of Arrest na in issue ni Hon. Maribel Mariano-Beltran, Presiding Judge, Family Court, 3rd RTC Br 13, Iba, Zambales na may kaukulang 400,000.00 na pyansa para sa kanyang pansamantalang Kalayaan.
“Magpapatuloy ang pagsisikap ng Zambales PNP na maaresto at maikulong ang mga taong lumalabag sa batas at mapangalagaan ang kaligtasan ng komunidad higit sa ngayon na tayo ay nasa pagsubok pa rin ng pandemya. Dagdag pa rito ang aming hangarin na tayo ay makapamuhay sa mapayapang pamayanan.” dagdag pa ni Macariola.