Nina Carmela Reyes-Estrope at Anton Luis Catindig
MARILAO, Bulacan–Binansagang “Bagong Mukha ng Bulacan,” subalit hindi bago sa paglilingkod-bayan ang ka-tandem ni Gob. Daniel Fernando sa pagka-bise gobernador sa halalan sa Mayo, Bokal Alex Castro ng ika-4 na distrito at nagmula sa bayang ito sapagkat 20 taon na siya ngayong elected leader ng lalawigan simula pa lamang sa edad na 16.
Taong 2002-2007 ng unang masabak si Bokal Alex sa larangan ng pamumuno at pagsisilbi sa mga kababayan ng siya ay mahalal na Sangguniang Kabataan (SK) Chairman ng Barangay Lias ng bayang Ito at ng SK Federation ng buong probinsiya ng Bulacan.
Dahil sa kanyang mahusay na pamumuno, taong 2005 ay kinilala siya bilang Outstanding SK Federation President ng Gintong Kabataan Awards.
Sa kabila ng pagtataguyod ng mga programang pang-kabataan sa buong lalawigan ay hindi tumalikod sa pormal na edukasyon ang batang opisyal sapagkat tinapos niya ang kanyang kursong AB Mass communication sa Far Eastern University (FEU).
Taong 2007-2010 ng una siyang nahalal bilang konsehal ng Bayan ng Marilao at pinakabatang konsehal ng Bulacan.
Taong 2010-2013 ay muli siyang nahalal na konsehal ng Marilao sa pangalawang pagkakataon. Nang taong 2010 ay kinillala siya bilang Outstanding Councilor ng Bulacan sa Gawad Galing Sanggunian Award.
Matapos ito ay patuloy na yumabong ang political career at ang quality pubic service ng batang opisyal kaya taong 2013 ay ginawaran siya ng Outstanding Councilor of the Philippines, People’s Choice Award.
Taong 2016 naman ng sumampa na siya sa pagiging mambabatas ng Capitolyo bilang Bokal ng ika-4 na Distrito at siya nga ay pinalad na nanalo rin. Sa unang termino niya bilang bokal, 2016-2019 ay nahalal siyang pangulo ng National Movement of Young Legislators ng buong Region 3.
Nang siya ay mahalal sa ikalawang pagkakataon bilang bokal ng ika-4 na Distrito noong 2019 hanggang sa kasalukuyan, ay nanunungkulan siya bilang NMYL National Assistant Secretary General.
Marami siyang mga panukalang batas para sa paglilingkod at pagbibigay suporta sa kanyang mga ka-distrito at kababayan sa Marilao ang patuloy na naipapatupad.
Taong 2021 ay tinanggap naman niya ang Gawad Filipino Dangal ng Bayang Filipino Outstanding Public Servant of the Year Award.
Una sa listahan ng batang opisyal ang paglingap sa mga maliliit na kababayan dahil siya mismo ay nagmula sa isang hamak na pamilya bilang anak ng isang Lingkod Lingap sa Nayon (LLN) lider ng kanilang barangay. Sa kabila noon ay marangal na itinaguyod ng kanyang ina ang buo nilang pamilya.
Gayundin bilang batang lingkod bayan ay naitaguyod din niya kahit paano ang kanyang pag-aaral at nakatulong din siya sa kanyang pamilya.
Dahil sa angking kakisigan ay hindi lang sa pulitika natapos ang magandang kapalaran ni Bokal Alex dahil nagbukas din sa kanya ang pintuan ng showbiz at siya ay nagkaroon ng mga palabas sa TV at naging commercial model.
Mula rin sa showbiz ang bumighani sa batang opisyal at sa kasalukuyan ay happily married sila ng kanyang asawa at sila ay biniyayaan ng tatlong supling.
Isa sa pangunahing ipapatupad ni Bokal Alex kapag siya ay naupo ng bise gobernador ay ang magtayo ng sub-offices sa mga bayan bayan o distrito upang ilapit sa tao ang kanyang tanggapan at hindi na mahirapan at magastusan pa ang mga mamamayan kung tutungo pa sa Capitolyo.
Mariin ding isusulong at susuportahan ni Bise Gob. Castro ang Universal Health Care program upang mabenepisyuhan ang mga Bulakenyo.