NORZAGARAY, Bulacan–Mahigit 200 na magsing-irog at mga nagsasamang hindi pa nabibiyayaan ng kasal ang pormal na pinag-isang dibdib sa pamamagitan ng programang “Kasalang Bayan” na handog ni Mayor Fred Germar ng bayang ito para sa kanyang mga kababayan nitong linggo, Peb. 20.
Ayon kay Mayor Germar, dahil sa dalawang taong pandemya ng COVID-19 ay naantala ang Kasalang Bayan para sa maraming mga mag-partners sa bayang Ito, kaya naman ngayong nagluwag na sa restriction at nasa Alert Level 2 na habang nasa Buwan pa ng mga Puso o 6 na araw pagkatapos ng Valentine’s Day ay sinamantala na nila itong magawa.
Kabilang sa mga tumayong ninong at ninang ang alkalde kasama ang kanyang maybahay, Maria Elena Germar at gayundin sina Gob. Daniel Fernando at Bokal Alex Castro.
Bukod sa libre ang kasal ay tumanggap ang mga mag-asawa ng regalong cake at pakimkim.
Kabilang ang isang 70 anyos na balo na naka wheel chair ngayon dahil naaksidente noong nakaraang taon at mahigpit 40 anyos na sweetheart nito sa mga ikinasal habang karamihan ay mga mahihigit 20 at 30 anyos na magsing-irog.