22,000 magsasaka tumanggap ng tig P5k rice assistance mula sa DA

Published

PANDI, Bulacan–Mahigit 22,000 magsasaka sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ang tumanggap ng tig P5,000 halaga ng pinansiyal na tulong mula sa Department of Agriculture sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund-Rice Farmers Financial Assistance (RCEF-RFFA).

Noong Biyernes ay tinanggap ng mga magsasaka sa bayang ito ang nasabing ayuda habang noong nakaraang araw ay ang mga taga Malolos ang naunang tumanggap sa ilalim ng pay-out caravan sa Balagtas, Balwag, Guiguinto, Obando, Lungsod ng Meycauayan at San Jose del Monte, Hagonoy, Plaridel, Marilao at Sta. Maria.

Ayon kay Gloria Carillo, Bulacan agriculture officer, ipinamamahagi rin ng DA sa pamamagitan ng kanyang tanggapan ang Intervention Moniroring Card para sa pagtanggap ng nasabing RCEF-RFFA na financial assistance.

Ayon sa DA, ang pondong ipinamimigay sa mga magsasaka sa buong bansa sa ilalim ng nasabing programa at umabot ng mahigit P110 milyon sa Bulacan ay galing sa RCEF o rice tariffication.

Isa umano sa major function ng high tariff or tax collection sa ilalim ng tariffication law ay upang makapagbigay ang DA ng direktang financial assistance sa mga magsasaka bilang kabayaran umano para sa inaasahang pagbaba o pagkawala ng kita ng sakahan dahil sa pagpasok ng mga imported na bigas sa bansa.

Ang mga magsasakang nabenepisyuhan ay iyong registered sa Farmers and Fisherfolks Registry System na may sinasakang (2) ektarya pababa.

Ibinahagi naman ni Gob. Daniel Fernando sa mga magsasaka sa Pandi na kasalukuyan ng ginagawa ang Bulacan Agriculture Training Center sa Capitolyo kung saan ay lalo pang maisusulong ang sakahan at agrikuktura sa lalawigan sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga bagong pamamaraan sa pagtatanim ng palay, gulay at paghahayupan.

Ang lupang pag-aari ng Capitolyo sa Doña Remedios Trinidad ay gagawin naman umanong breeding center upang maparami ang mga alagang hayop at maraming Bulakenyo ang makapag-alaga at kumita mula sa paghahayupan.

Ayon sa gaobernador, ngayong panahon ng pandemic lalo na noong sunod-sunod na lockdwon, napatunayan ang napakahalagang pangangailangan ng mga tao sa agricultural products.

Kahit na umano inaasahang patungo na ang mundo sa new normal at pahupa na ang COVID-19 ay mas makakabuting ang mga Bulakenyo ay marunong mag-alaga ng mga hayop at magtanim ng gulay upang masiguradong may makakain sa oras ng pangangailangan.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Bulakenyo leaders nanumpa sa National Unity Party (NUP)

LUNGSOD NG MALOLOS—Halos 200 na mga bagong miyembro ng...

Types of Events Featuring Motivational Speaker in the Philippines

In the ever-changing world of personal development and...

Types of Motivational Speakers in the Philippines

In the vibrant and diverse landscape of the...