260 kaso, tinugunan ng abogado ng masa, Bocaue Vice Mayor Tugna

Published

BOCAUE, Bulacan—Tinaguriang “abogado ng masa,” or the “people’s lawyer,” umabot sa 260 na usaping legal ng kanyang mga kababayan sa bayang ito ang tinugunan at binigyan ng aksiyon ni Vice Mayor Atty. Sherwin Tugna sa loob ng unang isang taon niya bilang pangalawang ama ng Bayan ng Bocaue.

Kabilang sa mga isyu ng legalidad na inilapit at binigyan ni Tugna ng free legal services and assistance ang mga usapin sa lupa at marami pang iba. Bukod sa napag-ayos din at naturuan ng mga hakbang na dapat gawin ang kanyang mga kababayan upang maiayos ang kanilang mga problemang legal, nailigtas din ng bise alkalde na abogado ng masa ang kanyang kababayan mula sa pagkakakulong sa pamamagitan ng pag-gabay tungkol sa pagpipiyansa.

Sa susunod pang dalawang taon ng bise alkalde ay mas pinaghahandaan pa nito ang patuloy na pagtugon sa usaping legal at mga kaakibat na pangangailangan ng kanyang mga kababayan ng free legal services and assistance bilang bahagi ng kanyang tapat na paglilingkod at pagkalinga sa kanyang mga kababayan sa Bocaue.

Ang pagiging abogado ng masa sa mga taga-Bocaue ay isang “bonus” na lamang na serbisyong tinanggap ng mga ito mula sa kanilang pangalawang ama ng bayan sa kabila ng pagiging abala nito bilang “ina” at “ama” ng apat nilang anak ng nasirang kabiyak, dating Bocaue Mayor Joni Villanueva.  

Sa kabuuan ay umabot sa 4,110 na Bocaueño ang direkta agad niyang napaglingkuran at natulungan–1,192 dito ang nabigyan ng hanapbuhay, 1,174, partikular na ang mga kababaihan at senior citizens ang naabutan ng free medical assistance.

Higit na anim na daan o 698 mahihirap na Bocaueno rin ang nabigyan ng financial assistance, at lagpas limang daan o 520 pamilyang nawalan ng mga mahal sa buhay ang naabutan ng burial assistance. Bukod dito, mahigit dalawang daan o 266 na kabataang Bocaueño ang natulungan at nabigyan ng educational assistance. 

At dahil presiding officer ng Sangguniang Bayan (SB), sinigurado ni Tugna ang mabilis na pagpasa ng mga de-kalidad na resolusyon at ordinansa upang tumugon sa pangangailangan ng mga Bocaueño at magsulong ng good governance.

Katuwang ang kanyang kuya at ang ama ng Bayan ng Bocaue,  Mayor Eduardo “JJV” Villanueva at ang Solid Lingkodbayan councillors, ang marami nilang nagawa sa unang taon ay hihigitan pa nila at dodoblehin sa dalawa pang taong paglilingkod upang marami pang kababayang Bocaueno ang kanilang matulungan.

“Tatak-Villanueva, tatak-Tugna,” ika nga ang kalidad ng pagliliNgkod sa kanilang dakilang Bayang Bocaue.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

NEW PANDI MUNICIPAL HALL

Pandi town officials Mayor Enrico Roque and Vice Mayor...

Big challenge to journalists: ‘Fight fake news, help the gov’t’

 Joselle Czarina S. Dela Cruz CLARK, Pampanga—Everyone has a fair...

Bulacan Institutionalizes Makabata Helpline 1383 to protect children’s rights

CITY OF MALOLOS - In a significant step towards safeguarding...

NLEX, Chinabank enter Php 10B loan agreement

To support lined-up expansion and enhancement projects that aim...