3 patay, 1 malubha sa gumuhong Chinese-rented warehouse

Published

CAMP GEN. ALEJO SANTOS, Bulacan–Tatlong empleyado ng isang warehouse ang namatay at isa ang nasa kritikal na kondisyon matapos gumuho ang second floor ng nirerentahang gusali ng kanilang Chinese employer sa Lungsod ng Meycauayan kahapon.


Sa ulat na ipinadala kay Bulacan Police Director Col. Charlie Cabradilla sa headquarters sa kampong ito, kinilala niya ang mga biktima na sina Roel Preston, 38, Analyn Baldon, 35 at James Franklin Marcelo, 19, mga empleyado ng E-ONE Consumers Trading Corporation.


Nakuha ng mga police at Bureau of Fire Protection rescue personnel si Preston bandang11:35 p.m. ng Martes samantalang sina Baldon at Marcelo ay 2:10 a.m at 7:52 a.m. naman ng Miyerkules. Silang tatlo ay dineklarang dead on arrival sa Meycauayan Doctors Hospital.


Bandang 5:00 ng hapon ng biglang gumuho ang second floor ng inuupahang warehouse ng kanilang Chinese employer sa isang building sa Silver St. Muralla Industrial Park sa Barangay Libtong.


Nadaganan at natabunan sila kabilang amg kanilang kasamahan na si Marjorie Naling, 28.


Si Naling ang naunang natagpuan sa ilalim ng mga gumuho bandang 8:30 ng gabi at kasalukuyan siyang ginagamot sa nasabing ospital.


Ayon kay Cabradilla, nag overload ang second floor na inookupa ng employer ng 4 na biktima dahil sa dami at bigat ng mga stocks nito ng solar panels at malalaking tents.


Ayon kay Col. Leandro Gutierrez, chief of police ng Lungsod ng Meycauayan, kasalukuyan pa nilang iniimbistigahan kung ano ang kanilang ikakaso sa Chinese employer ng mga biktima.


Ganunpaman, sinagot na umano ng E-ONE Corp. ang mga hospital expenses ni Naling at ang lahat ng funeral expenses ng mga namatay nilang tauhan.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Ripple Labs Secures RLUSD Approval, XRP Price Rises Over 23%

Ripple Labs achieves a milestone with NYDFS approval for...

Experts tackle tech trends at TMT forum

The Manila Times (TMT) BPO and Tech Forum 2024,...