3,000 Bulakenyo, tumanggap ng saku-sakong bigas mula sa DSWD

Published

LUNGSOD NG MALOLOS – Upang mapakinabangan ang mga nakumpiskang sako ng bigas, ipinamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pangunguna ni Kalihim Rex Gatchalian ang 3,000 sako ng bigas na 25 kilo bawat isa sa mga Bulakenyo na miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at indigent population kahapon.

Ang mga tumanggap ay mula sa mga munisipalidad ng Calumpit, Paombong at Obando na may tig 1,000 benepisyaryo bawat isa.

Ayon kay Kal. Gatchalian, ang mga ipinamahaging sako ng bigas ay parte ng 42,180 na sako ng ipinuslit na bigas na kinumpiska ng Bureau of Customs mula sa isang warehouse sa Brgy. Baliwasan, Lungsod ng Zamboanga na kalaunan ay ipinagkaloob sa DSWD.

“Kung may napapaulat ho na may tumataas na bilihin o tumataas ang presyo ng bigas, hindi po iyon dahil sa supply, kundi dahil po may masasamang loob na talagang minamanipula ang presyo at nagho-hoard ng bigas. Kaya’t ang assurance ng ating Pangulo lalung-lalo na sa ating mga 4Ps beneficiaries, huwag kayong mag-alala dahil hindi ho siya titigil na habulin ‘tong mga hoarders na ‘to o ang masasamang loob na ‘to at ico-confiscate iyong kanilang mga bigas,” ani Kal. Gatchalian.

Sa ngalan ni Gobernador Daniel R. Fernando, sinabi naman ni Panlalawigang Tagapangasiwa Antonette V. Constantino na ang pag-unlad ng ekonomiya ay ang pundasyon ng pangmatagalang progreso ng Pilipinas.

“Sa ating pagbuo ng isang matatag na bansa, kinakailangan natin pagtuunan ng pansin ang maagap na pagtugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan. Sa pagkakaroon natin ng kasapatan sa pagkain, ligtas na pamayanan at kalinangang pangkabuhayan mag-uugat ang pangmatagalang pagsulong ng ating bansang Pilipinas,” ani Constantino.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Guiguinto celebrates 27th Halamanan Festival

GUIGUINTO, Bulacan—This garden capital of the country continues to...

Who is the Most Famous Motivational Speaker?

Motivational speakers inspire (1), uplift, and guide people...

Powerful Collaboration: Nusantara Global Network & FBS Revolutionize Trading with Self-Rebate Program

Kuala Lumpur, Malaysia, 19 January 2025 – Nusantara...