BOCAUE, Bulacan–Umabot sa mahigit 30,000 mga estudyante at kani-kanilang mga pamilya ang dumalo sa post pandemic first face to face graduation ceremony ng Bulacan State University (BulSU) sa Philippine Arena sa Ciudad de Victoria compound sa bayang ito noong Biyernes.
Nagsikip ang north bound lane ng North Luzon Expressway (NLEX) partikular and Philippine Arena at Marilao exit dahil sa sabayang dagsa ng 11,285 na graduates at kani-kanilang mga mahal sa buhay na dumalo sa nasabing okasyon.
Ang ibang mga dadalo ay nag exit at nag-U-turn na lamang sa Meycauayan exit para lamang makaabot sa programa.
Ayon kay Chancellor Reynaldo Naguit, tumagal ang graduation program ng halos 8 oras mula 9 a.m. – 5 p.m. ang pre-recorded mention of names ng mga graduates habang isa-isa silang sunod-sunod na mabilis na nag-martsa at pumanhik sa stage at tinanggap ang kani-kanilang mga diploma.
Sa kabila ng mahigit 30,000 bilang ng mga dumating sa Philippine Arena at heavy traffic na naranasan ng marami, naging maayos naman ang trapiko at maging ang pag-parada ng libu-libong mga sasakyan sa palibot ng Ciudad de Victoria, ayon sa hepe ng Bocaue, Col. Ronnie Pascua.
Hanggang sa umuwi na ang mga ngsidalo ay heavy traffic din ang naranasan sa Tabang toll gate hanggang Lungsod ng Malolos, maging sa iba pang kalsada sa bayang ito at katabi pang lugar.
Sen. Villanueva, guest speaker and key note speaker
Bilang guest speaker and key note Speaker, pinayuhan ni Sen. Joel Villanueva ang mga nagsisipagtapos na estudyante na huwag sumuko sa mga pagsubok na kinakaharap ngayon ng bansa, at magpatuloy na payabungin ang kanilangues g karunungan.
Sa kanyang talumpati, binanggit ni Villanueva na maraming kinakaharap na pagsubok ang sistema ng edukasyon sa bansa. Isa na dito ang mahinang performance ng mga Pilipinong estudyante sa math, science, at reading comprehension kumpara sa ibang bansa, ayon sa ilang pandaigdigang pag-aaral. Isa pang pagsubok na binanggit ng senador ay ang kasalukuyang sitwasyon ng unemployment sa bansa, at ang pangangailangan ng mga manggagawa ng skills training.
Gayunpaman, pinayuhan ni Villanueva ang graduating class of 2022 ng BulSU na “keep on learning” at maghangad ng “lifelong learning” upang patuloy na umunlad ang kanilang karunungan at makasabay sa mga pagbabago sa mundo. Sinabi ng senador na importante ang lifelong learning dahil sa mga pag-aaral na halos “back to square one” ang mga natutunan pagkatapos ng limang taon, at paraan din ito upang makipagsabayan sa pag-unlad ng makabagong teknolohiya gaya ng artificial intelligence.
Ibinahagi rin ni Villanueva ang hirap na dinanas niya noong nag-aral siya sa Harvard, at ang personal niyang trahedya sa pagpanaw ng kanyang ina at kapatid. Ayon sa senador, ang mga ito ang nagpatatag sa kanyang karakter at nagturo sa kanya na huwag sumuko sa harap ng pagsubok, na siya ring payo niya sa BulSU graduates.
“Never, never give up. Kahit sabihin pa ng pinakamatalik mong kaibigan, o ng iyong pamilya na hindi mo kaya, huwag kang maniwala sapagkat kaya mo at kaya mong magtagumpay,” sabi ni Villanueva.
Payo rin ni Villanueva sa mga nagsipagtapos na huwag silang pumayag na may magmaliit ng kanilang pangarap.
“Huwag po kayong papayag na sabihin kayo na liitan, paikliin o papangitin ang inyong mga pangarap. Hold on to your dreams. Keep on learning. Never ever give up,” sabi ng senador
Sinabi rin ni Villanueva na patuloy ang kanyang adbokasiya sa pagpapaunlad ng sistema ng edukasyon sa bansa, mula sa mga naipasa niyang batas gaya ng Philippine Qualifications Framework, Excellence in Teacher Education Act, at Doktor Para sa Bayan Act. Naghain din kamakailan ang senador ng kanyang mga panukalang Enterprise-based Education and Training to Employment Act, Lifelong Learning Development Framework Act, at pagtatalaga ng National Employment Recovery Strategy sa ilalim ng Trabaho Para sa Lahat ng Pilipino Act.