32 Delta variants naitala sa Bulacan

Published

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

LUNGSOD NG MALOLOS–Pumalo na sa 32 ang bilang ng Delta variant cases sa Bulacan sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19, base sa huling tala ng Bulacan Public Health Office.

 Ayon kay Dr. Hjordis Marushka Celis, Bulacan COVID-19 Task Force vice chair 4 mula sa 32 mga kaso ay returning Overseas Filipino Workers habang ang 28 ay mga local cases na maaring nakuha sa Metro Manila, sa Bulacan at sa iba pang lugar. 
Nauna na ring tala na may kabilang na Bulakenyong workers sa Metro Manila sa mga nahawa ng Delta variant.

Mula sa 28 na ito,  18 ang record ng new cases na ibinaba sa kanila ng Department of Health nitong Agosto 23 matapos lumabas ang resulta mula sa Philippine Genome Center noong Agosto 21. 
Ayon sa pinakahuling tala, may 55,383 na COVID-19 cases sa lalawigan, 3,973 dito ang active cases, 1,127 ang namatay at 50,283 ang recoveries. 

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Bulacan governor places warden, personnel under preventive suspension over inmate’s ‘day out’

CITY OF MALOLOS—The Bulacan Provincial Jail warden and one...

Maundy Thursday ‘dakip’ lives on

BULAKAN, Bulakan—The town’s long time Maundy Thursday night “dakip”...

Easter Sunday Brunch Spots at SM Center Pulilan

After the pastel egg hunts and Sunday Mass selfies...

Family Fun Comes Alive at SM Center Pulilan

In an age when screen time often trumps playtime,...