Bulacan Provincial Public Affairs Office

Tinanggap nina Gobernador Daniel R. Fernando (gitna) at Bise Gobernador Wilhelmino M. Sy-Alvarado (pangalawa mula sa kaliwa) ang 2,000 mula sa kabuuang 4,000 na food packs na ipinagkaloob ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa pangunguna ng Pangkalahatang TagapamahalaEduardo V. Manalo na kinatawan ni Ka Noel Pamintuan at Ka Gilbert Soriano ng INC Distrito ng Bulacan South sa ginanap na programang “Iglesia Ni Cristo Lingap Sa Mamamayan ng Lalawigan ng Bulacan” sa Bulacan Capitol Gymnasium, Lungsod ng Malolos, Bulacan nitong Lunes upang magbigay ng kagaanan sa mga Bulakenyo na naapektuhan ng COVID-19. Nasa larawan din sina (mula kaliwa) Bokal Alexis Castro, Bernardo Ople, Jr., at Allan Andan. Larawan ng Bulacan Provincial Public Affairs Office