$500M Korean investment naghahanda na pag-take off sa Bulacan dahil sa airport project

Published

LUNGSOD NG MALOLOS–Ramdam na sa Capitolyo ang paparating na kaunlarang ihahatid ng kasalukuyan ng ginagawang P754-bilyon halagang New Manila International Airport sa Bayan ng Bulakan gayundin ng North South Commuter Railways (NSCR) train at iba pang dambuhalang development projects sa lalawigan.


Isang nine-team delegation ng Korean investors ang nakipagpulong kay Gob. Daniel Fernando, Vice Gov-elect Alex Castro at mga department heads ng Capitolyo sa pangunguna ni Provincial Administrator Anne Constantino at Special Consultant to the governor, ang TV actor/host na si Michael Angelo at iba pang mga opisyales ng lalawigan nitong Huwebes sa kanyang tanggapan. 


Pinangunahan ni Chairwoman Haesook Suh at Chairman Geon Park ng Korea Philippine Business Association ang nasabing delegasyon ng Korean investors kasama sina Secretary General Soobum Kim;  Vice Chairman Kyuwan Lee; Vice Chairwoman Sunghee Han ng mga kumpanyang Sejong Industrial Co. Ltd., Sejong Exhaust Sys’ Group;  Hanyoung Chong, CEO ng Dike Solution Group; Foundation General Leo Hwang ng UPK Veterans Foundation, Andy Jeon, CEO ng Bets and Gaming at si Lee Hwang Jr.


Ayon kay Foundation General Hwang, pangunahin nilang gustong itayong investment ang power plant, golf course at hotel, noodles at electronic manufacturing companies, industrial factories kasama rin ang bets, gaming and amusements at marami pang iba. 


Makaraan umano ang pandemic ay trabaho para sa maraming mga Bulakenyo ang ihahatid ng kanilang pamumuhunan. 


Sa panayam ng NEWS CORE at ilang piling mamamahayag, sinabi nito na nabalitaan umano nila na ang Bulacan sa ngayon ay nasa pamumuno ng mga bagong uri ng mga liders sa katauhan nina Fernando at Castro kaya’t nakadagdag umano ito sa pagkagusto nilang mamuhunan sa Bulacan.


“Let us call it the Bulacan Reform Movement. Our investment is also focused on Fernando because we knew what kind of person he is,” dagdag niya sa NEWS CORE.


Sinabi pa ni Hwang sa reporter na ito na ang mga investments ay itatayo na agad kasabay ng ginagawang airport upang pagbukas ng airport ay bukas na rin ang mga negosyong ito.

Ang pulong na ginanap sa Conference Room ng Governor’s Office ng Capitolyo sa pagitan nina Gob. Daniel Fernando, Vice Gov-elect Alex Castro, Special Assistant to the Governor TV actor/host Michael Angelo (nakatayo sa kanan) at ng grupo ng Korean investors–Foundation General Leo Hwang ng UPK Veterans Foundation at si Chairman Geon Park ng Korea Philippine Business Association (magkatabing nakaupo sa kaliwa) kasama sina Provincial Administrator Anne Constantino, Provincial Planning and Development Office Head Arlene Pascual at Leo Hwang Jr. (mga nakatayo) at Governor’s Chief of Staff Atty. Jayrick Jamil, nakaupo sa likod sa kaliwa. Larawan ni Anton Catindig


Idiniin ni Hwang na “million dollars” ang ihahatid nilang mga negosyo dahil sa airport at train.

“We are here to stay to globally work with Fernando, the People’s Governor to benefit the people of Bulacan. We are here because of the international airport now being built in Bulacan and the train. We can also build public private partnership (PPP) projects,” sinabi ni Hwang kay Fernando sa breakfast meeting ng grupo nila sa Conference Room ng Governor’s Office ng Capitolyo. 


Ayon naman kay Park, “Smart City” umano ang magiging uri at tema ng mga negosyong kanilang itatayo sa Bulacan. Ang Smart City ay modernong sistema ng operation ng mga establishments gamit ang makabagong electronic technology. 


Ayon sa gobernador, ang Bulacan ay nakapagpasa na ng isang resolusyon at handa ito sa mga PPP at Built Operate Transfer projects.
Trabaho at kabuhayan umano ang ihahatid ng mga investments na ito sa lalawigan lalo na sa mga Bulakenyo kaya’t ngayon pa lamang ay talagang piinupursige nila ito, ayon sa gobernador. 


Kasama sa pulong si President Cecilia Gascon ng Bulacan State University dahil isa ang unibersidad sa may malawak na lugar sa palibot ng Capitol area na maaring pagtayuan ng investment ng mga Koreano. 


Dito una dinala ni Fernando ang grupo ni Chairwoman Suh kasama si Gascon at ang marami pang pinuno ng Capitol pangunahin si Arlene Pascual, ang hepe ng Provincial Planning and Development Office. 

Pangalawang pinuntahan ay ang NSCR site sa Tabang, Guiguinto malapit sa lupang pag-aari ng provincial government na Hiyas Agro Commodity Center (HACC) at ang huli ay ang isang 52 hectares site sa Bayan ng Bustos kung saan nakikitang maaaring itayo ang golf course at hotel. Ang NSCR train along Manila North Road (MacArthur highway) ay isa sa mga Build Build Build at PPP projects ni Pangulong Duterte sa ilalim ng pamumuno ni dating DPWH Secretary ngayo’y Senator Mark Villar at Transportation Secretary Arthur Tugade.


Ang airport project ay proyekto ng isa na ngayong infrastructure giant San Miguel Corporation. 


Isang video presentation ng buong prospective investment sites ng Bulacan ang ipapanood sa mga dayuhan, ayon sa gobernador. 
Gayundin, inimbitahan nila Chairwoman Suh ang gobernador at grupo nito na pumasyal sa Korea upang makita ang kanilang mga negosyo doon na siya ring itatayo sa Bulacan. 


Bukas ang Bulacan sa kanino pa mang dayuhang mamumuhunan, dagdag ng gobernador. 

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Abaddon sets out to ensnare players in its web – release date and price for Kong: Survivor Instinct revealed!

Polish indie studio, 7LEVELS, and Singapore based publisher, 4Divinity,...

Revolutionizing Water Treatment: AQUARING’s Advanced Technology for a Healthier, Sustainable Future

Reurasia management corporation AQUARING, an Italian company revolutionizing water treatment...

Companies, stop striving for zero complaints

MANAGEMENT STRATEGIES Your customers' complaints could be the goldmine you’re...

IMPULSES: Indigenous struggles, speculative hope

 Herman M. Lagon It was an emotional moment when Rynshien...