641 Mangingisdang Bulakenyo, tumanggap ng mga kagamitang pangisda mula sa Pamahalaang Panlalawigan

Published

LUNGSOD NG MALOLOS – Muling namahagi ng tulong si Gobernador Daniel R. Fernando sa mga mangingisdang Bulakenyo sa pamamagitan ng Provincial Agriculture Office sa ginanap na Distribution of Livelihood Assistance to Fisherfolks sa Bulacan Polytechnic College Covered Court sa lungsod na ito.

May kabuuang 483 na gillnets, 108 na coolers, at 50 na marine engines ang naipamahagi sa mga Bulakenyong mangingisda na mula sa mga bayan ng Bulakan, Calumpit, Hagonoy, Obando, Paombong, at Lungsod ng Malolos.

Ayon kay Fernando, malaki ang naging ambag ng mga mangingisda sa pag-unlad ng ekonomiya at ang pamamahagi ng ayuda sa mga mangingisda ay mahalaga upang matugunan ang kanilang pangkabuuang seguridad at katatagan ng kanilang pangisdaang komunidad.

“Patuloy lang po tayong nagpapaabot ng tulong para sa ating mga kapwa mangingisda dahil sa kanilang hanapbuhay ay nabibigay hindi lamang ng kanilang pangunahing kita para sa kanilang pamilya kundi pati na rin ng pagkain para sa marami. Sa ating pagkikipagtulungan, maaari nating mapanatili ang kanilang kabuhayan at mahalagang gampanin sa ating lalawigan,” ani Fernando.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Singapore Professionals Unlock Midlife Success with Resilience Coaching

Ace Digital Brings Expert Insights on Navigating Career &...

KITAS vs Business Visa: Choosing the Right Permit to Work in Indonesia

Indonesia, with its dynamic economy and diverse culture,...

Process of Registering an International Company in Indonesia

Embarking on the journey of establishing a business...