Hindi na lamang mga mamamayan ng Bayan ng Bocaue at ng katabing Bayan ng Sta. Maria ang mapaglilingkuran ng Joni Villanueva General Hospital (JVGH) kundi pati na rin ang mga residente ng walong iba pang mga bayan sa lalawigan.
Sa isang Memorandum of Agreement (MOA) kahapon, Mayo 28, kaalinsabay ng ika-4 na taong kamatayan ni dating Bocaue Mayor Joni Villanueva kung saan ipinangalan ang nasabing pagamutan, ang mga mamamayan ng Bayan ng Plaridel, Obando, Norzagaray at sakpp ng distrito 5–Guiguinto, Pandi, Balagtas, Bulakan at iba pang bayan sa lalawigan ay magiging prayoridad na rin sa nasabing ospital.
Isang taon at limang buwan na ngayon, ng maginng general hospital ang pailidad, ito ay nag-ooffer ng diabetes package na gamutan kadama rin ang hyperttensive care, gynecologic screening package at libreng opera.
Ito rin ay isang Malasakit Center at ngayon ay isa na ring PhilHealth Konsulta at Ambulatory Surgical Center.
Ang ospital ang nag-iisang DOH-run o pag-aari ng national government sa lalawigan ng Bulacan.