94 anyos na groom at 70 anyos na bride humabol makasal ngayong February love month

Published

LUNGSOD NG SAN JOSE DEL MONTE–Dalawang araw bago matapos ang February love month ngayong Peb. 26, Araw ng Linggo, ay humabol sa “Kasalang Bayan” sa lungsod na ito ang 120 couples sa mga ikinasal at naging legal ang pagsasama kasabay ng pormal na pagbasbas at pagpapala mula sa Diyos. Nanguna sa mga couples and sweethearts na ito ang 94 anyos na si G. Ponciano Tiglao at ang ina ng kanyang dalawang anak, si “Mrs. Valeriana Turingan”. Pormal na ngang naging “Mrs. Tiglao” si “Gng. Turingan” matapos na silang ikasal kanina kasama pa ang ibang pares. Isang guro nang maging biyuda si “Gng. Turingan” at noong 1991 ay napaibig siya ni G. Ponciano na isa namang biyudo at sila ay nagsama bilang mag-asawa at nagkaroon ng dalawang babaeng supling, isang 30 at isang 20 anyos na sa ngayon. Sa kabila ng edad na 94 ay malakas pa si G. Ponciano at nagpahayag siya ng lubos na kaligayahan. “Masayang masaya ako na kami ay ikinasal na, matagal na kaming nagmamahalan at ngayon ay pormal na kaming mag-asawa,” pahayag niya sa NEWS CORE. “My love, the love of my life,” ang tukoy naman ni Gng. Tiglao sa kanyang kabiyak. Nagpasalamat sila ng lubos kay Gob. Daniel Fernando na siyang nasa likod ng proyektong Kasalang Bayan at pangunahing ninong ng lahat ng ikinasal. “Masaya po kami at libre pa ang aming kasal na ito pero parang nakakahiya, mas bata pa sa amin ang aming mga ninong,” natatawang pahayag niya sa NEWS CORE.   Bukod kay Gob. Fernando ay tumayong ninong din si Bokal Castro sa lahat ng mga kinasal. Pakimkim na pera ang tumanggap ng mga kinasal kabilang din ang bigas at grocery packs mula sa kanilang mga ninong. Marami sa kanila ang nagsasama na hanggang 30 taon at ngayon lamang naikasal. Pagiging abala sa araw-araw na buhay upang itaguyod ang kanilang pamilya at kawalan ng extrang pera para gastusin sa kasal ang dahilan kung bakit hindi sila nakapagpakasal sa loob ng mahabang taon. Nagpapasalamat ang lahat ng mga bagong kasal sa libreng kasal ng kanilang Ninong Gobernador dahil naging legal na at may pormal ng basbas ng Diyos ang kanilang pagsasama. Bilang ninong ay pinaalalahanan sila ni Gob. Fernando na lalong patatagin ang pagmamahalan at pagsasama ngayong nariyan na ang lalong maraming pagsubok at higit sa lahat ay lagging magpasalamat sa pagpapalang ibinigay ng Diyos sa kanila. Isang Born Again Christian na pastor ang nagkasal sa 120 couples. Naging ka-partner ni Gob. Fernando si Mayor Arthur Robes at maybahay nito, Cong. Rida Robes sa nasabing proyekto partikular sa pagpapagamit ng grandiosong mala-first class na hotel na City of San Jose del Monte Convention Center sa Motorpool ng siyudad. Umabot sa halos 1,000 pares ang nabiyayaan sa Kasalang Bayan ni Gob. Fernando sa buong lalawigan ngayong February love month.
Pinaka sumikat sa Kasalang Bayan kanina sa San Jose del Monte ang 94 year old na groom na si G. Ponciano Tiglao at ang kanyang kabiyak, Gng. Valeriana Tiglao, 70 anyos, (couple sa kanan). Larawan ni Anton Luis Reyes Catindig

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Crafting Dreams Together

Josephine Ramos, Junior Writer Susana Grabillo, 55, from Barangay Basiao,...

NLEX Empowers Young Women through BRAVE Program

NLEX Corporation recently launched another woman-centered community development program...

Navigating the Information Ocean: Why Media and Information Literacy Important

Kwento Co Media and information literacy (MIL) has become a...

Supreme silence: Dynasties still unchecked

By Herman M. Lagon When the Supreme Court clarified on...