LUNGSOD NG SAN JOSE DEL MONTE–Dalawang araw bago matapos ang February love month ngayong Peb. 26, Araw ng Linggo, ay humabol sa “Kasalang Bayan” sa lungsod na ito ang 120 partners sa mga ikinasal at naging legal ang pagsasama kasabay ng pagbasbas at pagpapala mula sa Diyos.
Nanguna sa mga couples and sweethearts na ito ang 94 anyos na si G. Ponciano Tiglao at ang ina ng kanyang dalawang anak, si “Mrs. Valeriana Turingan”.
Pormal na ngang naging “Mrs. Tiglao” si “Gng. Turingan” matapos na silang ikasal kanina kasama pa ang ibang pares.
Isang biyuda si
tumayong nInong si Gob. Fernando at Bokal Castro sa lahat ng mga kinasal. Bukod sa pakimkim na pera ay tumanggap din ng bigas at grocery packs ang mga bagong kasal. Marami sa kanila ang nagsasama na hanggang 30 taon at ngayon lama g naikasal.
Bilang ninong ay pinaalalahanan sila ni Gob. Fernando na lalong patatagin ang pagmamahalan at pagsasama ngayong nariyan na ang lalong maraming pagsubok sa pagpapalang binigay ng Diyos sa kanila.
Nagpapasalamat ang lahat ng mga bagong kasal sa libreng kasal na programa ng kanilang Ninong Gobernador dahil naging legal na at may basbas ng Diyos ang kanilang pagsasama. Pagiging abala sa araw-araw na buhay upang itaguyod ang kanilang pamilya at kawalan ng extrang pera para gastusin sa kasal ang dahilan kung bakit hindi sila nakapagpakasal sa loob ng mahabang taon.
Umabot sa halos 1,000 pares ang nabiyayaan sa Kasalang Bayan ni Gob. Fernando sa buong lalawigan ngayong February love month.