95 sa Tanglaw juvenile jail naka-recover sa COVID-19

Published

SIYUDAD NG MALOLOS—Bukas na muli nitong Lunes ang opisina ng Tanglaw Pag-asa Bulacan provincial juvenile facility matapos maka-recover na lahat mula sa COVID 19 ang 95 mga residente nito o mga detinado kabilang ang siyam na social welfare employees at mga guwardiya ng Capitolyo.

Ayon kay Jay Mark Chico, hepe ng Tanglaw Pag-asa balik operasyon na ang kanilang tanggapan subalit tulad ng lahat ng katulad nilang pasilidad sa bansa ay nananatili pa rin itong hindi tumatanggap ng mga dalaw bilang bahagi ng no mass gathering at pinaiiral na pagsunod sa social distancing health protocols.    

Ayon kay Dr. Hjordis Marushka Celis, Bulacan Medical Center Director, head of the Response Cluster of COVID 19 Provincial Task Force at co- chair of Vaccination Operation Center of Bulacan, ang 80 Children In Conflict with the Law (CICL), 9 staffs ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) personnel at 6 jail guards na nagbabantay sa lugar ay pawang maayos na gumaling.

Dahil sa malalakas na katawan at resistensiya sa edad na 16-26 ay mild symptoms lang na ubo at lagnat ang naranasan ng mga juvenile, ayon sa doktora. Gayundin naman bagaman sa bahay nila at sa quarantine facility ng Capitolyo nagpagaling ang mga PSWDO at jail guards ay maayos din itong naka-recover, ani Celis.

Nilampasan pa ng pasilidad sa ilalim din ng head ng PSWDO na si Rowena Tiongson-Joson ang 14 hanggang 21 at hanggang maging isang buwang recovery and clearance period ng mga COVID infected individuals with mild symptoms bago muling buksan ang tanggapan nito  upang makasiguradong all fully recovered ang mga tinamaan.  

Marso 26 ng isang PSWDO staff ang mag-positibo sa COVID 19 makaraang hindi sinasadyang mahawa ito ng isang nag-birthday noong unang linggo pa lamang ng Marso na maluwag pa o nasa General Community Quarantine (GCQ) pa at hindi pa muling tumaas ang kaso ng COVID 19.

Ang staff na ito ang sumama sa isang residente sa hearing nito sa court at simula noon ay nakitaan na ng symptoms ang nasabing juvenile. Noon ding araw na iyon ay apat hanggang anim agad ang nakaramdam ng katulad na mga symptoms na lagnat at ubo at patuloy na nahawa pa ang iba sa mga sumunod na araw hanggang magkasakit na ang 80.

Siyamnapu’t siyam ang total na bilang ng mga juvenile at ang 19 ay pawang hindi mga tinamaan.

Higit pang pag-iingat sa ngayon ang isanagawa ng mga tauhan ng Capitolyo ayon na rin sa lalo pang-pag-amuki ni Joson at ni Gob. Daniel R. Fernando.    Matatandaang nagluksa ang Capitolyo dahil sa pagkamatay ng isang nurse na empleyado at apat na essential employees nito ng nakaraang buwan ng Marso at nito lamang dalawang linggo ang nakakaraan.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Crafting Dreams Together

Josephine Ramos, Junior Writer Susana Grabillo, 55, from Barangay Basiao,...

NLEX Empowers Young Women through BRAVE Program

NLEX Corporation recently launched another woman-centered community development program...

Navigating the Information Ocean: Why Media and Information Literacy Important

Kwento Co Media and information literacy (MIL) has become a...

Supreme silence: Dynasties still unchecked

By Herman M. Lagon When the Supreme Court clarified on...