Opening Statement of Senator Joel Villanueva

Published

- Advertisement -spot_imgspot_img

Hearing of the Senate sub-committee on Justice and Human Rights September 9, 2024

Senator Joel Villanueva

“The truth shall set us free” (John 8:32) 

Isa lang po ang gusto nating lahat na malaman. Matagal nang hinahanap, matagal na nating hinihintay. Ito rin ang hinihintay ng sambayanang Pilipino. Walang iba kundi ang katotohanan. Sapagkat ang katotohanan ang magpapalaya sa atin. 

Umabot po tayo sa araw na ito dahil bukod sa puro “hindi ko na po maalala, your honor” ang sagot mo sa amin, tinaguan pa po tayo ni Ms. Alice Guo na napagalaman nating hindi tunay na Pilipino. 

Alice, binastos mo at binalahura mo ang buong gobyerno, ang buong sambayanang Pilipino. Hindi ko maintindihan kung bakit noong nahuli ka ay parang walang wala sa’yo. Na-offend po kami. 

Hindi ko alam pero parang ang turing mo sa amin ay “kaaway” na. Pero sa totoo lang, kung magsasabi ka ng totoo, kami dito sa Senado ang totoong kakampi mo. 

Bibigyan ka naming muli ng pagkakataon ngayong araw na ito. Pagkakataon na isiwalat ang katotohanan. Dahil kahit ayaw mong sabihin ang katotohanan, Senado ito. Hindi ito perya. Sigurado kami na malalaman at lalabas ang katotohanan sa Senado. 

Kung ikaw ay tunay na Pilipino, dapat alam mo ang kasaysayan. Sa kasaysayan, ang Senado ang nagiging sandigan ng demokrasya. Ito ang nagpapalabas ng katotohanan. Kapag ikaw ay nagsasabi ng katotohanan, ang Senado ang siguradong mag-po-protekta sa iyo. More than any agency or institution in this country. 

Muli, isang bagong pagkakataon ang araw na ito lalo na para sayo, Alice. Sa pagsasabi mo ng totoo, hindi lang ikaw ang mag-be-benepisyo kundi ang sambayanan. Ipapaalala ko sayong muli ang iyong sinumpaan dito sa Senado,  “to tell the truth, the whole truth, and nothing but the truth.” Kung hindi ka sasagot sa mga tanong natin dito sa Senado o maglulubid ka lang ng buhangin, hindi lalabas ang katotohanan. 

Nais nating sabihin sa ating mga kababayan ang kahalagahan ng ating ginagawa. Not just in aid of legislation but to ensure that we will put an end to this horrible and terrible POGO. Naipakita ng Senado, through this committee, not even LGUs, even a town like Bamban ay kayang pasukin at kontrolin ng husto ng POGO. Can you imagine,  ladies and gentlemen, kung magpapatuloy ito. Hindi lamang Mayor, Governor, Congressman o Senador baka balang araw kapag hindi natin tinuldukan ito, sa susunod na halalan meron tayong POGO-sponsored President. 

Kaya importante na pagtulung-tulungan po natin ito at siguruhin that we will be able to serve the best interest of our people. 

Maraming salamat at magandang umaga po sa ating lahat.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Aboitiz InfraCapital Economic Estates Named Best Industrial Developer at 2025 DOT Property Awards

Aboitiz InfraCapital Economic Estates has earned two of the...

Pinoy top notch US army training center graduate and veteran hero, awarded US Congressional Gold Medal

CITY OF MALOLOS—World record holder, topnotcher in the US...

Malolos Bishop: Honest and speedy trial of corruption charges is justice to flood victims 

CITY OF MALOLOS—Malolos Diocese Bishop Dennis Villarojo calls for...

Congressman Martin Romualdez resigned as House Speaker

MANILA, Philippines—Law maker Martin Romualdez, Representative of 1st District...