Ayuda sa mga biktima ng bagyong Carina sa Bulacan patuloy ang pamamahagi 

Published

- Advertisement -spot_imgspot_img
Sina Gob. Daniel Fernando, (nasa gitna) at Bise Gob. Alex Castro, (ikalawa mula sa kaliwa sa likod), kasama si Rowena Tiongson (dulong kanan), Obando Vice Mayor Arvin Dela Cruz, (una mula sa kaliwa sa likod), dating Loma de Gato, Marilao Barangay Captain Babes San Andres at iba pang opisyales habang ipinamamahagi ang relief packs para sa mga apektado ng bagyong Carina. Larawan ni Anton Catindig

OBANDO, Bulacan—Nasa halos 6,000 mga pamilya sa tatlong barangay sa bayang ito ang tumanggap ng ayuda ng pamahalaan matapos silang maaektuhan ng matinding pagbaha dulot ng bagyong Carina. 

Sinuong nina Gob. Daniel Fernando at Bise Gob. Alex Castro  nitong Huwebes ang laot ng Barangay Salambao kasama si Rowena Tiongson, hepe ng Provincial Social Welfare and Develoment Office (PSWDO) sa paghahatid ng ayuda boxes mula sa Department of Social Welfare and Development sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. 

Nasa mahigit 800 pamilya mula Salambao ang unang nahatiran at mahigit 5,000 pamilya naman mula sa Barangay Paco at Lawa. 

Sa ilalim ng pamumuno ni DSWD Secretary, sa atas ni Pangulong Marcos at sa mga relief goods na inihanda ng provincial government, isa lamang ang Bayan ng Obando sa tumanggap ng mga tulong-pagkain matapos humagupit ang bagyong Carina noong huling linggo ng Hulyo. 

Mahigit kalahati sa 24 na bayan at siyudad sa Bulacan ang naapektuhan ng matinding pagbaha bunsod ng nasabing bagyo. Kasama rin sa pamimigay ng relief packs si Manuel Lulban Jr., hepe ng Provincial Disaster Risk Refuction Management Office (PDRRMO) chief ng Bulacan.  

Nauna na ang ilang barangay sa bayang ito at sa marami pang bayan at siyudad sa lalawigan ang nahatiran na rin nila Fernando at Castro ng nasabing ayuda. 

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Russia’s oncovaccine now ready for clinical use

Russia’s Federal Medical-Biological Agency (FMBA) head Veronika Skvortsova announced...

First Skull of Extinct Elephant Relative Found in Cagayan, Philippines

By: Eunice Jean C. Patron Meyrick U. Tablizo and Dr....

President Marcos declares 2nd week of September as National Pensioners’ Week

President Ferdinand Marcos Jr.  signed Proclamation No. 1020 last September...

“Pagninilay-Nilay” reflects on parents’ pain, a daughter’s unfinished story

CITY OF MALOLOS – Nothing shatters the heart more than...