Higit 1,000 residente sa Bulacan, lumikas dahil sa pagbahang dulot ng Bagyong Kristine

Published

- Advertisement -spot_imgspot_img

Ni Joselle Dela Cruz 

Flooded residences in Calumpit, Bulacan. Photo courtesy of Jhenmark Eleogo

LUNGSOD NG MALOLOS—Nasa 1,376 na mga residente mula sa 395 na pamilya sa lalawigan ang lumikas sa mataas na lugar dahil sa bahang dulot ng malakas na ulan at bugso ng hanging dala ng Bagyong Kristine, ayon sa pinakahuling tala ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Nagmula ang mga residente sa 55 na barangay na sakop ng 11 mga lungsod at bayan kabilang ang Balagtas, Calumpit, Hagonoy, Guiguinto, San Miguel, Malolos, Bocaue, San Jose del Monte, Bulakan, Obando, at Paombong.

Ayon sa tala ng PDRRMO, umabot sa 5ft. na taas ng tubig baha ang naranasan ng mga residente sa nasabing lugar. Ang pinakamataas na tubig baha na ito ay naitala sa Barangay Meysulao sa Bayan ng Calumpit at ang 4 ft. na baha naman ay naranasan ng mga residente sa Barangay Taliptip, Sta. Ana at Matungao sa Bayan ng Bulakan. 

Bukod sa mga pag-ulan dala ng nasabing bagyo, sumabay din ang high tide kung kaya’t nakadagdag pa sa mga pagbaha partikular sa mga low-lying areas ganundin ang pagpapalabas ng tubig ng Ipo at Bustos dams dahil sa mga pag-apaw nito bunsod ng malakas na ulan hatid ng nasabing bagyo. 

Alas 5:00 ng umaga ng Biyernes, umabot sa 245 cubic meters per second (cms) ang pinakawalang tubig ng Bustos dam ng umakyat sa 17.45 meters ang elevation nito at nilampasan ang 17.00 meters spilling level nito. Nagsimula itong maglabas ng 26 cms noong Martes ng umakyat ang volume nito sa 17.30 meters. 

Ibinaba naman ng Ipo dam sa 113. 80 cms ang inilabas nitong tubig ng magtala ito ng 100.88 meters na volume mula sa 101.00 meters spilling level nito. Simula noong Miyerkules, ng magtala ito ng 101.01 na taas, nagpakawala na ito  ng 34 cms at kinabukasan, Huwebes, ay naglabas ito ng mas maraming volume o 242 cms. 

Ang Angat dam naman ay lumagpas na sa 210.00 meters above sea level (masl) ang lamang tubig nito at 10 metro na lamang ay aabot na ito sa 210.00 masl normal high water elevation nito. 

Bumaba naman ang alert level ng tubig sa probinsiya, ayon sa Early Warning System ng konseho pero huwag pa rin alisin ang posibilidad ng pagbaha o landslide sa lugar.

Sa huling tala, ang tulay ng Macaiban sa bayan ng Santa Maria ang nananatiling hindi madadaanan dahil sa pagtaas ng tubig mula sa ilog, ayon sa Command Center ng munisipyo.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

First Skull of Extinct Elephant Relative Found in Cagayan, Philippines

By: Eunice Jean C. Patron Meyrick U. Tablizo and Dr....

President Marcos declares 2nd week of September as National Pensioners’ Week

President Ferdinand Marcos Jr.  signed Proclamation No. 1020 last September...

“Pagninilay-Nilay” reflects on parents’ pain, a daughter’s unfinished story

CITY OF MALOLOS – Nothing shatters the heart more than...

192 Cats, 32 dogs get free castration, spay services

CITY OF MALOLOS – A total of 192 cats and...