11 mangingisda nailigtas sa laot ng Bulacan, 1 pinaghahanap pa

Published

- Advertisement -spot_imgspot_img

Ni Joselle dela Cruz 

Rescue operation. Photo from screenshot Municipal Government of Obando Facebook page video post.

LUNGSOD NG MALOLOS—Labing-isa sa labindalawang mga mangingisda mula sa Bayan ng Obando at sa Limay, Bataan ang nasagip ng mga rescuers mula sa lalawigan kahapon, matapos silang anurin sa Manila Bay area ng Bulacan dahil sa lakas ng ulan at hangin dala ng bagyong Kristine. 

Hanggang ngayon, ayon sa tala ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) ay hindi pa nakikita ang 25-anyos na si Jerry Lacaña, alias “Bay,” na nawala nang tumaob ang kanilang bangkang “F/B CHARIZ” habang pauwi sila mataos mangisda dahil sa lakas ng ulan at alon sa lugar. Natagpuan ang siyam na mga mangingisda alas 5:00 ng umaga nitong Huwebes. 

Dalawa pang mangingisda ang nasagip sa nasabing coastal area na nagmula pa sa Limay, Bataan. Kinilala sila na sina Edison Amasan at Dicky Bulan. 

Nawala ang mga ito simula noong Miyerkules, matapos silang lumaot sa dagat sa kabila ng malakas na alon dala ng bagyo upang mangisda. Nang hindi sila makabalik, iniulat ng mga kapwa mangingisda ang kanilang pagkawala kung kaya’t nagsagawa na ng rescue mission ang mga otoridad. 

Nanawagan naman ang mga kaanak ng biktima at ang awtoridad na ipagbigay-alam sa kinauukulan sakaling mapadpad sa ibang lugar si Lacaña.

Pansamantalang itinigil ang rescue operations dahil sa lakas ng hangin sa lugar, ngunit itutuloy rin ito oras na huminahon ang alon sa coastal area, ayon sa Obando Municipal Disaster Risk Reduction Management Office.

Ipinasuri ni Gob. Daniel Fernando ang kanilang health status at vital signs bago sila mapayuhang maibalik sa kanilang probinsiya.

Katuwang ng Obando Search and Rescue Team ang Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection, at Philippine National Police ng naturang bayan.

Kasunod niyan, nanawagan naman ang gobernador sa mga residente na maging maingat sa coastal area para maiwasan ang mga ganitong panganib.

Samantala, umabot naman sa P25.5 milyon ang nasira at nasalanta ng bagyo sa agrikultura at pangisdaan sa probinsiya. 

Napuruhan ang pananim na palay na umabot sa P23.6 milyon, habang nasa P1.6 milyon naman sa aquaculture.

Ibinaba na sa Tropical Cyclone Warning Signal No. 1 ang probinsiya ngayong 11:00 n.u., ayon sa PAGASA.

Inaasahan naman ang pag-ayos at pagiging aliwalas ng panahon ngayong hapon, ayon sa Bulacan PDRRMO.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Coca-Cola Europacific Aboitiz to build new Tarlac manufacturing plant at TARI Estate

Landmark investment brings hundreds of new jobs to Tarlac,...

Perpetual ban sa kontratista ng proyektong ‘patay na pinipilit buhayin’ sa Plaridel, ipinataw ng DPWH

ni Shane F. Velasco PLARIDEL, Bulacan (PIA)-  Habang panahon nang hindi...

DENR, Forest Foundation, and Canada Advance Nature-based Solutions in the Philippines Amid Rising Climate Threats

Manila, Philippines — The Department of Environment and Natural...

Connecting the Unconnected: Eastern Advances Inclusive Education Through Connectivity and Digital Literacy Efforts

Eastern Communications, the Philippines' pioneering telecommunications company and ICT...