191 ka-birthdate ni late Mayor Joni tumanaggap ng cake at cash gift

Published

- Advertisement -spot_imgspot_img

Ni Mac Eleogo

BOCAUE, Bulacan–Lubos ang kaligayahan ng 191 residente ng bayang ito na mga pawang ka-birthday ng yumaong si Mayor Joni Villanueva matapos silang mahandugan ng cash gift, cake at handang pack meals sa isang simpleng pang-alaalang selebrasyon ng kaarawan ng dating alkalde nitong Miyerkules.


Matanda, teenager, bata, dalaga, binata, may-asawa ang personal na tumanggap ng nasabing mga regalo mula sa asawa ng namayapang alkalde, dating CIBAC Partylist Rep. Sherwn Tugna at kapatid na dating Mayor Eduardo “Jonjon/JJV” Villanueva sa ginanap na munting programa at salu-salo, “Proud Ako, ka-Birthdate Kita”  noong sa mismo nilang kaarawan ng dating mayor, Nobyembre 24 na ginawa sa JIL Compound sa Barangay Bunlo. 


Bago ang pamimigay ng mga regalo kabilang din ang t-shirt at ang ipinamigay na pagkain ay sinariwa muna sa pamamagitan ng isang video presentation ang mga proyekto ng namayapang alkalde at ang personal at isa-isa nitong pagbisita sa tahanan ng mga mamamayang lumapit o sumulat sa kanya at nanghihingi ng tulong na tila ba, mala “Wish ko Lang” progrmam ni Vicky Morales sa GMA-7.


Ipinakita rin ang iba pang mga proyekto ng alkalde tulad ng ospital, mga kalsada, proyektong turismo at trabaho, pangkalinisan ng bayan at ng Bocaue River at marami pang iba lalong lalo na ang personal na pag-aasikaso at pangunguna ng alkalde sa preparasyon ng ayuda habang may karamdaman na pala noong kasagsagan ng pandemya noong isang taon hanggang sa mamatay ito Mayo 28, 2020. 


Halos maiyak ang lahat ng mga ka-birthdate ng alkalde dahil noon pa mang nabubuhay si mayor ay kasabay at kasama sila sa birthday celebration nito at nagagalak silang kahit na ito ay wala na ay itinuloy ito ni Cong. Tugna at Mayor Jonjon.


Biyaya rin ang hatid ng isa pang kapamilya ni Mayor Joni, Senator Joel Villanueva ng mamahagi ito ng cash help sa 1,281 beneficiaries ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) na ginanap sa Lolomboy Elementary School at 1,276 naman ang nabiyayaan na manggagawa sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay para sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) emergency program na ginawa sa Barangay Duhat.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Russia’s oncovaccine now ready for clinical use

Russia’s Federal Medical-Biological Agency (FMBA) head Veronika Skvortsova announced...

First Skull of Extinct Elephant Relative Found in Cagayan, Philippines

By: Eunice Jean C. Patron Meyrick U. Tablizo and Dr....

President Marcos declares 2nd week of September as National Pensioners’ Week

President Ferdinand Marcos Jr.  signed Proclamation No. 1020 last September...

“Pagninilay-Nilay” reflects on parents’ pain, a daughter’s unfinished story

CITY OF MALOLOS – Nothing shatters the heart more than...