PhilRice naghahandog ng leadership camp para sa mga kabataan

Published

- Advertisement -spot_imgspot_img

Ni Camille C. Nagaño

Kitang kita ang kasiyahan na matuto ng mga kabataang nakilahok sa Be RICEponsible Leadership Camp ng Philippine Rice Research Insitute na idinaos sa compound ng institusyon sa lungsod agham ng Muñoz, Nueva Ecija. Tampok sa naturang pagsasanay ang pagtuturo sa pagiging responsableng lider at ang mga aktwal na aktibidad sa sakahan tulad ang pagtatanim ng palay, machine demonstration, rice art session at paglahok sa mga talakayan tungkol sa rice science. (PhilRice)

LUNGSOD AGHAM NG MUÑOZ (PIA) — Nagbibigay ng leadership training ang Philippine Rice Research Institute (PhilRice) para sa mga kabataan. 

Ito ay ang “Be RICEponsible Leadership Camp” na bukas para sa mga edad 10-15 at 16-18. 

Ayon kay PhilRice science research specialist Lorelie Vee Domingo, layunin ng pagsasanay na mahubog ang prinsipyo ng mga kabataan sa pamumuno, na mayroong malawak na kamalayan sa kahalagahan ng agrikultura. 

“Ang pagsasanay na ito ay para sa susunod na henerasyon ng mga lider ng lipunan, tampok ang pagbibigay ng kaalaman sa kahalagahan ng rice science, pagiging RICEponsible at may malasakit sa kapakanan ng mga magsasaka,” pahayag ni Domingo. 

Maliban sa mga aral ng pagiging responsableng lider ay nararanasan din ng mga kalahok ang mga aktwal na aktibidad sa sakahan tulad ang pagtatanim ng palay, machine demonstration, rice art session, at paglahok sa mga talakayan tungkol sa rice science. 

Ang bawat batch ng leadership camp ay binubuo ng 20 kalahok. 

Kamakailan ay 20 student-leaders mula sa lungsod agham ng Muñoz ang naging bahagi ng Be RICEponsible Leadership Camp na ginanap sa RICEsParK, na matatagpuan sa loob ng compound ng PhilRice.

Dito ay inilarawan ni Jo Manglicmot, isa sa mga estudyanteng kahalok, ang RICEsParK bilang kanyang paboritong lugar ng pagkatuto. 

Aniya, hindi lamang siya natutong maging RICEponsible, kundi natutuhan din niya kung paano maging isang epektibong lider.

“Mas naunawaan ko ang paghihirap ng ating mga magsasaka at natutuhan ko rin kung gaano kahalaga ang kultura ng agrikultura sa mga Pilipino,” pahayag naman ni Prince Aj Avila ng Linglingay Elementary School.

Bukod sa mga aral ng pagiging responsableng lider, natutuhan din ng kabataan ang farm machine operation, Minus-One-Element Technique, at ang paggawa ng rice mosaic art.

Para sa detalye ng reservation sa leadership camp ay maaaring makipag-ugnayan sa numerong 0925-748-0214 o sa email address na philricecommunityrelations@gmail.com. (CLJD/CCN, PIA-3 Nueva Ecija) 

###############

———————–The article provided is authorized for use, and represents solely the author’s personal opinions. Please contact us in the event of any potential infringement.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Aboitiz InfraCapital Economic Estates Named Best Industrial Developer at 2025 DOT Property Awards

Aboitiz InfraCapital Economic Estates has earned two of the...

Pinoy top notch US army training center graduate and veteran hero, awarded US Congressional Gold Medal

CITY OF MALOLOS—World record holder, topnotcher in the US...

Malolos Bishop: Honest and speedy trial of corruption charges is justice to flood victims 

CITY OF MALOLOS—Malolos Diocese Bishop Dennis Villarojo calls for...

Congressman Martin Romualdez resigned as House Speaker

MANILA, Philippines—Law maker Martin Romualdez, Representative of 1st District...