Makabayang pamumuhunan ang retail bonds para sa mga OFW – Villanueva

Published

- Advertisement -spot_imgspot_img

Sinuportahan ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang plano ng Department of Finance (DOF) na maglabas ng retail treasury bonds na iaalok sa overseas Filipino workers (OFWs), dahil nakikita ng senador na isa itong magandang investment opportunity para sa mga makabagong bayani.

“I fully support the DOF in its initiative. Magandang oportunidad ang dollar-denominated security na ito para mamuhunan ang ating mga kababayan abroad sa mga ligtas, low-risk, at abot-kaya na investment instruments,” sabi ni Villanueva.

Mataas din ang pag-asa ng senador na maging matagumpay ang dollar-denominated bonds, at hinikayat niya ang mga pampubliko at pribadong sektor na ikalat ang balitang ito at tangkilikin ang offering.

“Nakita po natin sa recent OCTA Survey na may mataas na 86 percent trust rating at 78 percent performance rating ang administrasyon, kung kaya inaasahan po natin na lubos na susuportahan ng publiko ang investment offering na ito,” aniya.

“Bilang Pilipino, ituring po natin na isang makabayang paraan ng pamumuhunan ang pagtangkilik ng retail treasury bonds para sa pag-unlad at pagsulong ng bansa,” dagdag niya.

Dahil iaalok ang bond offering sa mga migranteng manggagawa, sinabi ni Villanueva na kailangang dagdagan pa ng gobyerno ang mga proteksyon para sa mga OFWs, na siya namang inasahan ng senador nang isulong niya ang pagsasabatas ng Department of Migrant Workers (DMW) Law.

Nanawagan si Villanueva sa DMW na pagyamanin pa nito ang full reintegration program ng bansa upang magkaroon pa ang mga OFWs na mas maraming access sa mga oportunidad na pangkabuhayan kapag sila ay nagbalikbayan na.

“Maliban sa livelihood packages, dapat isama sa programa ang mga investment options gaya ng government bonds, gayundin ang financial literacy training nang sa gayon ay magkaroon ng “retirement plan” ang ating mga OFWs pag-uwi nila sa bansa,” aniya.

Kinilala din ni Villanueva ang pagsisikap ng DOF na gawing mas accessible sa publiko ang mga securities sa pamamagitan ng mga “homegrown digital platforms” gaya ng Overseas Filipino Bank–na subsidiary ng LANDBANK of the Philippines–upang gawing mas madali at ligtas ang pamumuhunan kahit sa mga first-timers.

“By making retail bonds more accessible to more Filipinos, we will continue to move closer to our goal of financial inclusion for all Filipinos in the name of nation building,” sabi niya.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

BDO strengthens community ties in Bulacan with BDO Fiesta

About BDO’s Presence in Bulacan BDO has a combined presence...

𝗕𝗗𝗢 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗦𝘁𝗮𝘁𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁

Recent social media posts by Maria Jamila Cristiana Gonzales...

Umbrellas on: Malolos inter-faith, multi-sectors staged protest, unity walk 

CITY OF MALOLOS—Amidst the sun and the rains, different...

GSIS lifts cap on survivorship pension to ensure fair benefits for survivors of gov’t workers

The Government Service Insurance System (GSIS) announced that it...