Traffic enforcer na alias ‘Bangis’ patay sa pamamaril

Published

- Advertisement -spot_imgspot_img

STA MARIA Bulacan, Philippines– Dead on the spot ang isang traffic enforcer matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang riding in tandem suspects sa bayang ito kahapon ng hapon.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nakaupo sa may harapan ng isang laundry shop at namamahinga lang sandali si Mario Domingo, alias “Bangis,” bandang 3:30 ng hapon ng pagbabrilin ito.

Nakamando umano ito sa trapiko at namamahinga lang sandali ng upakan ng mga suspects. Sa inisyal na imbestigasyon, tatlong putok ang tumama sa katawan ng biktima kaya’t dead on the spot ito.

Mga pulis sa crime scene. Larawan ni Vhioly Rosatazo Arizala

Agad namang sumibad palayo ang mga suspects lulan ng isang kulay itim na 125 TMX motorsiklo na walang plaka.

Ayon kay Col. Esmael Conde Gauna, hepe ng pulis ng Sta. Maria, sinampahan nila si Domingo ng kasong homicide noong July 4 nang illegal na pinosasan nito ang isang vendor na agad-agad na inatake sa puso at namatay.

Kalalabas lang umano ni Domingo mula sa kulungan noong July 13 na nakakalipas at bumalik muli sa kanyang duty bilang traffic enforcer sa Barangay Caypombo nang ito ay paslangin.

Base sa initial report ng pulisya, kalibre .45 na baril ang ginamit ng suspects dahil sa mga naiwang basyo ng bala at tingga nito. Kasalukuyan pang inaalam ng pulisya ang motibo sa pagpatay.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

First Skull of Extinct Elephant Relative Found in Cagayan, Philippines

By: Eunice Jean C. Patron Meyrick U. Tablizo and Dr....

President Marcos declares 2nd week of September as National Pensioners’ Week

President Ferdinand Marcos Jr.  signed Proclamation No. 1020 last September...

“Pagninilay-Nilay” reflects on parents’ pain, a daughter’s unfinished story

CITY OF MALOLOS – Nothing shatters the heart more than...

192 Cats, 32 dogs get free castration, spay services

CITY OF MALOLOS – A total of 192 cats and...