LUNGSOD NG MOLOLOS–Patuloy na ngang bumabagsak ang bilang ng active COVID-19 cases sa Bulacan mula sa 10,551 noong Jan. 17 hanggang sa 3,779 nitong Lunes, Jan. 31 kaya naman ibinalik na muli ito sa mas maluwag na Alert Level 2 simula ngayong Martes Feb. 1-15.
Nasa 10,174 ang mga kasong ibinaba sa loob ng 2 linggong ito.
Nagbago rin ang mga bayang may pinaka matataas na kaso at mababang kaso. Sa pinakahuling tala nitong Jan. 31, bagama’t Malolos pa rin ang may pinakamaraming active cases ay bumaba na ito sa 664, Lungsod ng San Jose del Monte ang pangalawa na may 532, panagatlo ang Sta Maria na may 298, pang apat ang Baliwag na may 221 na mga kaso at pang lima ang Guiguinto na may 186.
Noong Jan. 27, Malolos din ang may pinakamataas na kaso sa tala na 889, pangalawa ang San Jose del Monte na may 519, pangatlo ang Sta Maria na may 481 habang pang-aoat ang Baliwag na may 280 na mga kaso at ang Bayan ng Bulakan ay panlima na may 230 na kaso.
Ang limang bayan ding ito ang may pinakamatataas na kaso noong Jan. 26.
Noong nakakaraan ay matagal na San Jose del Monte, Sta. Maria at Malolos ang tatlong may pinakamatataas na active cases.
Sa 3,779 active cases kahapon Jan. 31, 59 dito ang nasa hospital, 89 ang nasa quarantine at 3,631 ang nasa home isolation.
Base rin sa pinakahuling datos, nasa 107,509 ang bilang ng kabuuang mga kaso simula noong Marso 2020, 102,202 ang recoveries at 1,528.
Ayon kay Gob. Daniel Fernando, dahil sa magandang resulta ng kaso ng active cases ngayon dahilan kaya nga ibinalik muli sa Alert Level 2 ang Bulacan, pinaghahandaan na rin ngayon sa lalawigan ang maaring face to face classes sa June.
Lalo pa nga, ayon sa gobernador na mag-uumpisa na rin ang pagbabakuna sa 5-11 years old ngayong February.
Ayon sa gobernador, papayagan lang niya ang face to face kung bakunado ang lahat ng bata.
“Hindi tayo papayag na bumalik sa face to face classes kung hindi bakunado ang lahat ng inyong mga anak, upang masigurado natin ang kanilang kaligtasan,” pahayag ng gobernador sa iba’t ibang grupo ng Bulakenyong kanyang hinaharap at pinupuntahan upang bigyan ng ayuda, burial assistance at iba pang tulong mula sa provincial government at maging sarili niyang bulsa.