Angat Mayor di binali ang DILG Circular sa distribution ng 1K SAP

Published

ANGAT—Natapos na nitong Martes, Abril 27 sa bayang ito ang pamimigay ng P1,000 halaga na national government emergency assistance fund o “ayuda” na ibinaba sa National Capital Region (NCR) at Plus Bubble na mga lalawigan ng Bulacan, Cavite, Rizal, Laguna na patuloy na may mga pagtaas ng kaso ng COVD 19.

Ganoonpaman, ay hindi naubos lahat ang P50,080,000 halagang tinanggap ng munisipalidad at mayroon itong natirang pondo na mabebenipisyuhan din ang ibang mga residente na hindi kabilang sa mga nabigyan.

Ayon sa tanggapan ng municipal social welfare and development office ng Bayan ng Angat, may mahigit 2,000 residente nila ang mabibigyan pa ng nasabing halaga ng ayuda kaya muli silang nagtakda ng mga araw ng pamimigay.

Subalit napag-alaman din ng NEWS CORE na dahil nadagdagan na ang populasyon ng Bayan ng Angat ay may mahigit pa ring 4,000 iba pang mga residente ang hindi rin nakatangaap mula sa P50,080,000.

Dahil dito, naghanap si Mayor Leonardo De Leon ng P7-Milyong pondo mula sa munisipyo para mabigyan din ang mahigit pang 4,000 residenteng ito.

Ang nasabing pondong ibinaba ng national government sa Bayan ng Angat katulad ng mga ibinaba rin sa NCR at Bubble Plus ay base sa 2015 national census kung saan ang populasyon lamang ng Angat noon ay 59,237.  Dahil sa ngayon ay halos anim na taon na ang nakalipas ay mahigit ng 60,000 ang populasyon ng bayang ito kung kaya’t kulang na nga ang nasabing pondo.

Sa kabila nito, ang sumobra sa pondong P50,080,000 na makakasapat pa sa mahigit 2,000 residente na makatanggap din ng P1,000 ay base sa naging sistema ng pamimigay na ibinaba ng Department of Budget and Management (DBM) at ng Department of Interior and Local Government (DILG) Memorandum Circular na tig P1,000 halaga ang ibibigay kada isang kabahayan na may tatlong miyembro at P4,000 naman sa bawat pamilyang may apat na miyembro at higit pa.

Sa ipinalabas na Local Budget Circular No. 136 dated March 30 ni DBM Secretary Wendel Avisado ay nagbaba ito ng P2.9 Billion halaga ng pondo para sa 21 bayan at tatlong siyudad sa Bulacan at may mahigpit na tagubiling P1,000 kada isang miyembro ng pamilya na hindi lalagpas sa tatlo at P4,000 sa may apat na miyembro pataas.

Nauna rito ay naghain ng “Resolution 2021-024” ang ilang miyembro ng Sangguniang Bayan ng Angat at kinukuwestiyon dito ang listahan ng mga kuwalipikadong recipients ng nasabing P1,000 cash ayuda na isinasaad ng nasabing Joint Memorandum Circular na iniatas ng DBM sapagkat marami pa raw ibang mga mamamayan ang hindi makakatanggap o mabebenipisyuhan.

Base sa Joint Memorandum Circular, ang mga tatanggap ng 1K ayuda ay iyong  tumanggap ng Special Amelioration Program (SAP) noong isang taon, iyong mga wait-listed, ang iba pang vulnerable groups, mga maliliit ang kita, mga mag-isa sa buhay o those living alone, Persons With Disability (PWD) at iba pang mga indibidwal na apektado ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) subalit subject sa availability ng pondo ng lokal na pamahalaan.

Pinuri ni Mayor De Leon ang nasabing panukala sapagkat ito ay naaayon sa kanyang masidhing nais na mabigyan lahat ng kanyang nasasakupan at patunay nito ang kanyang pagpapalabas ng P7-Milyong halaga upang maipamahagi sa mga hindi nabigyan.  

Subalit mahigpit at mariing tinanggihan at tinutulan ng alkalde ang nais ng ilang lider sa bayang ito na hati-hatiin sa tig P2,500 ang P50,080,000 na pondo upang mapagkasya daw sa lahat ng mga mamamayan. Imbes daw na P1,000 kada isang tao sa isang pamilya na may 1-3 miyembro at P4,000 naman sa may 4-pataas na miyembro ay gawing pantay pantay na P2,500 para sa lahat ng pamilya o kabahayan upang magkaroon lahat.

Ganoon daw ang ginawa sa katabing bayan at gayahin daw ito ng kanilang alkalde.

Subalit tumanggi si Mayor De Leon na gawin ang malaking pagbali na iyon sa mahigpit na atas ng national government tungkol sa pamimigay na nasabing emergency fund o ayuda.   

“Hindi po natin maaaring gawin ang ganyang pamamaraan ng pagbibigay sapagkat tayo po ay may lalabaging kautusan at batas. Gagawa po tayo ng paraan base sa ating pondo upang mabigyan ang lahat ng hindi tayo lalabag sa batas,” paliwanag ng alkalde sa kanyang mga kababayan.

Ang buong NCR Plus Bubble ay isinailalim sa ECQ mula Marso 29-Abril 4. Simula Abril 5 hanggang sa kasalukuyan ay nasa ilalim naman ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).  

Ang P2.9 Billion na ibinigay sa Bulacan at sa buong NCR Plus Bubble ay base sa programang Bayanihan to Recover as One Act sa ilalim ng Republic Act 11494 na may effectivity hanggang June 30, 2021 sa ilalim ng Republic Act 11519.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Ripple Labs Secures RLUSD Approval, XRP Price Rises Over 23%

Ripple Labs achieves a milestone with NYDFS approval for...

Experts tackle tech trends at TMT forum

The Manila Times (TMT) BPO and Tech Forum 2024,...