Angat, nagkulay pula sa suporta sa Alamat at kay Jumong
Ni Carmela Reyes-Estrope
ANGAT, Bulacan–Nagkulay pula ang bayang ito kahapon nang umabot sa mahigit 7,000 mamamayan ang nakiisa at nagpakita ng suporta sa kandidatura ni Army Res. Major Leobardo “Jumong” Piadozo bilang mayor at Mayor Leonardo “Alamat” Narding De Leon bilang vice mayor o “JumNar” team sa darating na May election.
Alas 6:00 pa lang ng umaga ay nagtipon-tipon na ang lahat sa Villa De San Pablo subdivision sa Barangay Niugan para sa isinagawang motorcade hanggang sa harapan ng munisipyo.
Ayon kay Gabriel Ignacio, special assistant ni Mayor De Leon, umabot sa 7,000 ang mga lumahok sa motorcade upang ipakita ang suporta sa JumNar team.
Umabot umano sa 135 na jeepneys, 960 na tricycle, 1,800 na riders, 100 private vehicles, 20 elf, 2 bus, 9 motorized sound system ang nagoarehistrong mga sasakyan na lumahok sa motorcade at 6,500 food packs naman ang inihanda nilang pagkain para sa dami ng nasabing mga volunteers.
Hindi na itinuloy ang unang nakakasang martsa mula sa Overlooking area sa Barangay Tugatog dahil sa tindi ng sikat ng araw.
Kasama rin sa motorcade si Mayor Fred Germar ng Bayan ng Norzagaray na kumakandidato bilang congressman ng ika-6 na distrito.
“Ito na ang patunay na talagang ang inyong lingkod ang dinala ng Team JumNar para sa pagka-congressman ng ika-6 na distrito,” pagayag ni Germar.
Nagpasalamat naman si Maj. Jumong, tubong Angat at dating naging kapitan ng kalapit na bayang Doña Remedios Trinidad at isang reservist ng Philippine Army.
Lubos ang pasalamat ni Mayor De Leon sa lahat ng mga nakiisa at patuloy na nagpakita sa kanya at kanyang buong team ng kanilang pagmamahal at suporta.
“Salamat ng marami sa inyong sakripisyo. Hindi ninyo inalintana ang init ng panahon at talagang kayo ay naglaan ng oras sa gawaing ito,” pahayag niya.
Kabilang sa kanilang mga konsehales ay si Konsehal Bong Andres, Bing Cruz at municipal administrator Claris De Leon, anak ni Mayor De Leon at sina Lily Cruz Emy San Pedro..