Armadong lalaki na tutuluyan ang kanyang biktima sa ospital, nabisto at naharang ng Capitol sekyu

Published

LUNGSOD NG MALOLOS–Tumanggap ng sertipiko ng komendasyon at pagpapahalaga si Capitol Security Guard II Rodel R. Javier mula kay Gobernador Daniel R. Fernando sa katatapos lamang na Lingguhang Pagtataas ng Watawat sa Bulacan Capitol Gymnasium, Lungsod ng Malolos, Bulacan para sa kamakailanlang na mahusay niyang pagganap sa kanyang tungkulin ng pagliligtas sa buhay ng isang biktima ng pamamaril na naka-confine at nagpapagaling sa Rogaciano M. Mercado District Hospital sa Santa Maria, Bulacan.

Ayon kay PCol. Rozalino Andaya (ret.), hepe ng Bulacan Provincial Civil Security and Jail Management Office, duty si Javier sa main entrance ng nasabing ospital na pagmamay-ari ng Capitolyo nang dumating ang armadong suspect at nakatakdang tuluyang pagbabarilin at patayin ang kanyang biktima na noo’y may tama na ng bala sa katawan at ginagamot na sa nasabing ospital.

Ayon sa gobernador, isang mataas na uri ng dedikasyon sa kanyang tungkulin ang ipinamalas ni Javier kung kaya’t nararapat lamang na siya ay kilalanin at papurihan. Iminungkahi rin ng ama ng lalawigan ang katulad pang mga civil security forces ng lalawigan na gawing modelo ang kahusayan at pagiging alerto ni Javier sa kani-kanilang pang-araw araw ng trabaho para sa kaligtasan ng kanilang mga nasasakupan. Kasamang report mula sa Provincial Public Affairs Office (PPAO)

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Fitter Employees, Stronger Companies: How GoGym Can Boost Your Workforce

GoGym highlights the significant benefits of a healthier workforce,...

What Do Motivational Speakers Do?

IntroductionMotivational speakers (1) have an important role in...

How Much is DuckChain Token? Check Out $DUCK Price Prediction 2025-2030

Discover DuckChain Price Predictions for 2025–2030. Learn how $DUCK,...