Ayaw na yata sa face to face classes

Published

SALLIE A. RAMONES

 Teacher III

Guiguinto National Vocational High School 

Guiguinto, Bulacan

Ang tao talaga, sala sa lamig, sala sa init, sa pula, sa puti. 


At the height of the COVID-19 pandemic, kung saan distant learning ang umiiral na paraan ng pag-aaral ng ating mga kabataan ay sabik na sabik ang lahat at walang hinihintay kundi magbalik na ang face to face classes. 


Wala raw sigla, kulang sa impact ang mga klase, hindi sapat ang natututunan, nakakatamad o nakakawalang-gana, habang marami rin ang nagsasabing mas mahirap ang paraan na distant and blended learning na modular at online kumpara sa face to face or inside school classroom classes.


Limipas ang mga buwan at ngayon na mahigit ng dalawang taong umiiral ang ganyang sistema at humupa na rin sa wakas ang pandemya at tayo ay nasa pinakamababa at maluwag na, na Alert Level 1 health restriction ay nagsimula ng magbukas ang pagbabalik sa face to face classes ng mga public elementary and high schools partikular dito sa ating lalawigan. 


Katunayan, sa kautusan at guidelines na inilabas ng ating Kagawaran (Department of Education) noong ang ibang mga lugar sa bansa ay isailalim na sa Alert Level 2 last quarter of 2021 ay nagsimula na ang face to face classes. 


May ilang identified schools na dito sa ating lalawigan na uumpisahan na ang face to face classes, iyon nga lamang ay tinanggihan at pinigil ito ng ating butihing Gob. Daniel Fernando dahil ang gusto niya ay bakunado na muna lahat ang ating mga kabataan bago bumalik sa loob ng mga classrooms upang matiyak nga naman ang kaligtasan ng sambayanang Bulakenyong mag-aaral.


Kaya nang mabakunahan na ang ating mga kabataan nitong Pebrero at nanatili pa rin tayo sa Alert Level 1, ay patuloy ng pinalakas ang face to face classes. Walang kautusang bawal o hindi tatanggapin sa face to face ang mga walang bakuna, subalit mas rekomendado na may bakuna na muna bago tanggapin sa classrooms.


Ang mga LGU ang siyang nag-rekomenda sa DepEd kung aling mga eskuwelahan sa kani-kanilang lugar ang handa na ang mga pasilidad sa in person teaching, o ang pagbabalik sa dating uri at kasanayan ng pag-aaral.

Kaya nga heto na….heto na tayo sa face to face simula Pebrero 21. Pero sa mga kakatwang bagay o mga dahilan, sadyang kakaunti lamang ang mga bata at magulang n nagkaroon ng interest bumalik sa loob ng kanilang dating silid-aralan. 


Sa kabuuang bilang na 503,838 na mga elementary and high school students sa 585 na mga pampublikong eskuwelahan sa Bulacan kabilang ang tatlong private schools ay 13,339 lamang na mag-aaral ang nag-uuniporme araw-araw at nakakaharap sa loob ng dati nilang silid-aralan ang kani-kanilang mga guro. Ito ay 2.65% lamang ng nasabing kabuuang bilang. Hindi ba’t sadyang napakaliit lamang!!!

Paano kasi ay nasanay na yata ang mga bata, maski ang magulang na sa bahay na lang sila nag-aaral, distant blended learning na lang. Through internet na lang o module. Mas tipid daw sa baon, lalo na ngayong skyrocket ang halaga ng gasolina at krudo kaya apektado ang singil sa pasahe, pagkain at iba pa. Lalo iyong malalayo ang bahay sa eskuwelahan, mas komportable na sila na sa bahay lamang natatamo ang edukasyon at karunungan.


Maraming mga magulang na gusto ng idiretso hanggang end of school year sa June ang distant learning at sa start of 2022-2023 school year na lamang nila pababalikin ang kanilang mga anak sa loob ng paaralan.


May issue rin ng bakuna. Hindi umano sapat ang pagdating ng bakuna at ang iba namang magulang ay ayaw namang pabakunahan ang kanilang mga anak 


Inaasahang patuloy na bababa ang bakuna sa ating lalawigan ngayong buwan ng Abril at madadagdagan ang mga bakunado at tataas ang bilang ng mga mag-aaral na babalik sa loob ng kanilang physical classrooms.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

IMPULSES: Fishery fragility unfolds

By Herman M. Lagon     Poor fishing threatens Iloilo's economy and...

SOLUTIONS JOURNALISM PROGRAM ON SMALL-SCALE GOLD MINING LAUNCHED

Gibby Gorres MANILA, PHILIPPINES - Applications for a solutions journalism...

PGB reasserts ownership of 12-hectare property in Malolos

CITY OF MALOLOS – The Provincial Government of Bulacan (PGB)...

IMPULSES: Unmasking flaws in testing

By Herman M. Lagon THE NATIONAL Achievement Test (NAT) and...