Bagyong Dante: Light to moderate rains lang ang ibinuhos sa Bulacan

Published

SIYUDAD NG MALOLOS, Bulacan, Philippines–Light to moderate lang ang ibinuhos na ulan ng signal No. 2 na bagyong Dante nitong Martes at Miyerkules kung kaya naman halos walang itinaas sa lebel ng tubig sa Angat Dam at maging ang Ipo at Bustos Dam. 


Sa ulat ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) ngayong araw, umabot lamang sa 192.00 meters above sea level (masl) ang elevation ng Angat Dam matapos daanan ni bagyong Dante simula Martes ng gabi at hanggang kahapon ang ilang bayan sa lalawigan mula sa elevation na 191.95 masl kahapon.


Noong Martes ay 192.08 masl ang Angat Dam.


Nanatiling below spilling level (101.00 meters) naman ang Ipo Dam sa 98.79 meters elevation nito at ang Busos Dam 17. 21 meters mula sa spilling level nito na 17.00 meters. 

Ayon pa rin sa ulat ng PDRRMO, ang mga bayan lamang ng Bulakan, Calumpit, Paombong, Hagonoy at Siyudad ng Malolos ang dinaanan ng light to moderate rains habang ang Bustos at Obando ang dumanas ng heavy rains at hindi dinaanan ng bagyo ang Norzagaray o bundok ng Sierra Madre upang madagdagan ang tubig sa Angat Dam.


Ang Angat Dam ang siyang nagsu-supply ng 97% water requirement ng Metro Manila. 

Patuloy itong pababa mula mahigit 211.00 masl noong katapusan ng Pebrero hanggang dumausdos sa 206. 12 masl ng katapusan ng Marso, 199.51 masl katapusan ng Abril at 192.32 masl nitong Mayo 31. 


Iniulat ni Raul Agustin, isa sa mga opisyales ng PDRRMO kay Gob. Daniel Fernando na ayon umano sa mga experts ay 4-5 pang bagyo ang makakapagpapuno sa Angat Dam. 

Personal na minonitor kahapon ni Gob. Fernando sa Operation Center ng PDRRMO ang lagay ng pag-ulan sa lalawigan, partikular ang tatlong dam.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Crafting Dreams Together

Josephine Ramos, Junior Writer Susana Grabillo, 55, from Barangay Basiao,...

NLEX Empowers Young Women through BRAVE Program

NLEX Corporation recently launched another woman-centered community development program...

Navigating the Information Ocean: Why Media and Information Literacy Important

Kwento Co Media and information literacy (MIL) has become a...

Supreme silence: Dynasties still unchecked

By Herman M. Lagon When the Supreme Court clarified on...