Bahay ng lolo ni PNoy sa Malolos hindi bakas ang pagluluksa

Published

SIYUDAD NG MALOLOS, Bulacan, Philippines—Halos patapos na ang 10-araw na pagluluksa ng sambayanang Pilipino sa pagpanaw ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III subalit ang bahay ng kanyang lolo, Don Jose Cojuangco sa lungsod na ito na malimit din niyang pasyalan noong bata pa siya ay walang anomang bakas ng pagluluksa at pag-alaala.

Walang ano mang dilaw na ribbon na simbolo ng pamilya Aquino na makikita sa bahay, sa bakuran, sa gate at iba pang bahagi ng lugar, tarpaulin ng mukha ng dating pangulo o mensahe ng pakikidalamhati at pag-alaala.

Ang bahay ng Cojuangco ay matatagpuan malapit sa historic Barasoain Church sa kahabaan ng Paseo del Congreso na nasa pangangalaga ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP).

Ayon kay Bulacan heritage, history and culture icon na si Jaime Corpuz, katulad ng kanyang ina na si dating Pangulong Corazon Aquino, madalas din sa lumang bahay si Noynoy at tuwing nandoon ay nagsisimba ito sa Barasoain Church.

Si Don Jose ang ama ng nauna ng pumanaw na dating pangulo Corazon “Cory” Aquino, na siayng ina ni Noynoy.

“Madalas magpunta doon ang magkakapatid na Cory noong bata pa sila kasama ang kanilang ama na si Don Jose Cojuangco. Marami silang kamag-anak dun gaya ng Pamilya Estrella, Tantoco, Tanjutco at iba pa”. 

Ayon kay Anna Marie Gonzales Felizardo, guro sa Bulacan State University at executive director ng Kabesera, ang grupong pangkalinangan ng Bayan ng Bulakan sa isang personal na pahayag, ang kawalan ng anomang simbolo ng pagluluksa, pagalaala sa struktura ng mga Cojuangco ay nakakagulat at sadyang lalo pang nakalulungkot na bagay. 

Aniya, ang tanggapan ng pamahalaan na nakakasakop doon ay siyang dapat nakapaglagay ng anomang simbolong pag-alaala at pakikidalamhati sa Cojuangco-Aquino family sa panahon ng pagluluksa ng sambayanang Pilipino dahil sa pagpanaw ng isa pang pangulo mula sa nasabing angkan.

“Based on standard procedure, dapat ang tanggapan ng pamahalaang nakakasakop dito ang gumagawa ng ganoong mga bagay,” pahayag niya sa NEWS CORE.

Ayon kay Rolly Marcelino, focal person ng tourism office ng siyudad, talagang halos ay hindi na nakakabisita ng mga nagdaang taon ang mga kaanak ni Noynoy doon sa ancestral house ng kanilang nuno.

Si Don Jose, mula sa isang mayamang angkan sa Malolos na isinilang at lumaki sa matandang bahay ay isang abogado at mangangalakal at lumipat sa Tarlac dahil sa gusto nito ang isang malawak na lupaing agrikultura. Kung kaya nga’t itinayo nito at pinatakbo ang Hacienda Luisita taong1959-1976. 

Si Don Jose ay naging konsehal ng Bayan ng Paniqui, Tarlac taong 1922-1925 at congressman mula 1934-1947.

Kalaunan ay itinatag niya ang Philippine Bank of Commerce at naging pangulo nito.  

Naging Pangulo ng bansa si Cory noong 1986-1992 habang si Noynoy ay mula 2010-2019.

Ang ten-day national mourning ay idineklara ni Pangulong Duterte noong araw na namatay si Noynoy noong Hunyo 24 at ito ay tatagal hanggang sa Hulyo 3 na kaalinsabay ng kaarawan ng kanyang Lolo Jose na isinilang noong Hulyo 3 1896.

Namatay si Don Jose sa Tarlac noong Agosto 21, 1976.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Ripple Labs Secures RLUSD Approval, XRP Price Rises Over 23%

Ripple Labs achieves a milestone with NYDFS approval for...

Experts tackle tech trends at TMT forum

The Manila Times (TMT) BPO and Tech Forum 2024,...