Bakuna sa 5-11 years old simula na para sa face to face classes sa Feb. 21

Published

LUNGSOD NG MALOLOS–Nagsimula na kahapon ang pagabakuna sa 5-11 years old na mga kabataan sa Bulacan in time sa pagbubukas ng face to face classes sa Feb. 21.

Pinangunahan ni Gob. Daniel Fernand, chairman ng Bulacan COVID-19 Task Force at vice chair nito Dr. Hijordis Marushka Celis ang nasabing pagbabakuna sa mga empleyado ng Capitolyo at walks ins sa Hiyas Pavilion Bulacan Vaccination Center habang ang sa bayan bayan ay magsisimula sa Lunes.

Ayon kay Celis, Pfeizer ang bakuna para sa mga bata at mayroon itong second dose makaraan ang 21 days.

Ayon kay Gob. Daniel Fernando, dahil Alert Level 2 na ang Bulacan ay maari ng magkaroon ng faxe to face classes ang mga bakunadong kabataan. Subalit mahigpit umano niyang nirerekomenda sa mga magulang na huwag munang papasukin sa face to face ang kanilang mga anak kung hindi pa fully vaccinated.

Ayon kay Zenia Mostoles, Bulacan Schools Division Superintendent ng Department of Education (DepEd), uumpisahan sa Feb. 21 ang limited face to face classes sa 109 public elementary and high schools sa Bulacan.

Ang mga eskuwelahang ito ay pumasa sa preparedness and facility requirements kabilang ang mga health standard protocols para sa mga mag-aaral.

Bibigyang priority umano na pumasok sa limited face to face ang mga bakunado na. Kaya naman ipinakiusap ni Mostoles sa mga LGU’s na pagibayuhin ang pagbabakuna sa mga kabataan upang makabalik na sa mga classrooms.

Ganunpaman ay nilinaw ni Mostoles na ang limited face to face ay may limited na oras lamang na 3-4 oras isang araw at maaaring isang meeting pa lamang sa loob ng isang linggo. May limited din na guro at naka face mask ang mga bata at hindi ito tatanggalin. Hindi rin umano kakain dahil bawal hubarin ang face mask.

Nananatili pa rin umano ang blended learning na online at module at iyon lamang mga walang gadget at bakunado na ang mas nirerekomenda sa face to face classes at iyong mga taga malayo ay maaring manatili sa module at iyon namang walang internet pang online ay maaaring mag module o mag face to face.

Mahalaga umano na ang 5-11 years old ay mabakunahan dahil sila ang primary and basic need for education katulad ng pagbabasa na kailangan ay face to face. Gayundin umano, napakahalaga ng face to face sa mga experiments at technical vocational skills need ng mga bata.

Mahigit umano 300 sa 600 public schools sa Bulacan ang nag-submit ng intention and preparedness plans sa DepEd at unti unti ay tintitingnan nila kung lahat ito ay pasado na at nakasunod sa requirements.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Abaddon sets out to ensnare players in its web – release date and price for Kong: Survivor Instinct revealed!

Polish indie studio, 7LEVELS, and Singapore based publisher, 4Divinity,...

Revolutionizing Water Treatment: AQUARING’s Advanced Technology for a Healthier, Sustainable Future

Reurasia management corporation AQUARING, an Italian company revolutionizing water treatment...

Companies, stop striving for zero complaints

MANAGEMENT STRATEGIES Your customers' complaints could be the goldmine you’re...

IMPULSES: Indigenous struggles, speculative hope

 Herman M. Lagon It was an emotional moment when Rynshien...