SAN MIGUEL, Bulacan–Priority na maka-attend sa face to face classes simula sa Peb. 21 sa unang 109 public elementary and high schools sa Bulacan ang mga bakunadong mag-aaral na edad 5-11 at 12-17 years old, ayon sa Department of Education (DepEd) official sa Bulacan.
Gayunman, sa mga lugar na hindi magiging ganoon kabilis ang pagbabakuna ay maaring tanggapin sa face to face classes ang mga may consent ng kanilang magulang, pahayag ni Bulacan Schools Division Superintendent Zenia Mostoles.
Mayroong DepEd template o form na ipinamahagi sa mga magulang at kailangan nila itong sagutan at pirmahan bilang katibayan na pumapayag silang makilahok sa in person o physical school classroom classes ang kanilang mga anak, paliwanag ni Mostoles sa NEWS CORE sa isang telephone interview.
Ang pagbabakuna sa 5-11 years old ay nagsimula sa mga bayan bayan sa lalawigan nitong Lunes, Peb. 14. Tinatayang maaaring hindi lahat ng mga bata ay agad-agad mababakunahan upang makaabot sa face to face classes sa Peb. 21.
Ganunpaman ayon sa pinakamataas na DepEd official sa lalawigan ay konti o limited lamang naman sa 15-16 ang bilang ng dapat ay laman ng isang face to face class at hiniling na rin ng DepEd sa mga mayors ng 21 bayan at 3 siyudad sa probinsiya na pabilisin ang pagbabakuna.
“May template ang consent ng parents. Preferred na vaccinated ang learners for face to face classes kaya nagrequest tayo sa local executives na iprioritze ang students of participating scchools natin. Hindi naman lahat ay kasali sa face to face classes. Hopefully, mabilis lang ang vaccination,” dagdag na paliwanag ng opisyal.
Tanging ang mga bayan na lamang ng
Marilao, Obando, Paombong, Norzagaray at Angat ang walang naisumite na listahan ng eskuwelahan na nakapag-prepara na at handa na sa face to face classes.
Subalit nitong Lunes ay sinabi ni Mayor Leonardo De Leon na sila man ay nakapagsumite na rin ng listahan ng mga paaralan sa kanilang bayan na nakatapos na sa mga kailangang preparasyon para sa face to face classes kabilang dito ang Diosdado Macapagal School sa Poblacion at dalawa pang eskuwelahan.
Ang sumusunod ang listahan ng mga bayan at ang bilang ng eskuwelahan nila na magbubukas ng face to face classes.
Ang Pulilan ay may 3 eskuwelahan, Balagtas-1; Bulakan -4; Pandi-3; Bustos-1; Baliwag-3; Hagonoy-6; Calumpit-2; Guiguinto-1; Plaridel-5; Bocaue-1; San Rafael-9; San Ildefonso-6; San Miguel-13; Doña Remedios Trinidad (DRT)-4; Santa
Maria-1 at kabuuang 63 schools para aa nabanggit na 16 na bayan.
Kasama ang mga Siyudad ng San Jose del Monte, Meycauayan at Malolos ay 109 ang mga schools na mag-in person classes.
Dagdag na paliwanag ni Mostoles na ang face to face classes ay limited lamang sapagkat hindi pupunuin ang classroom ng hanggang 40 students o higit pa kundi 15-16 mag-aaral lamang, isang beses lang na 3-4 hours sa isang linggo at kaunti pa lamang na mga eskuwelahan. Patuloy umanong mananatili na blended form pa rin ang mode of learning kung saan ang mga nakatira sa malayo na hindi pa bakunado ay maaring manatilig module type of learning, ang mga walang gadget ay module pa rin, ang mga bakunado at walang gadget ay maari ng face to face classes.
Ani Mostoles, mahalaga ang face to face classes lalo na sa pag-develop ng skills ng mga bata, for their technical vocational learning at maging experiments.
Sadyang napakagalaga rin ng face to face para sa primary reading lessons ng mga nasa 5-6 years old, dagdag niya.
Pahabol ng Superintendent na ang pagsasagawa ng in person classes sa Bulacan ay alinsunod sa itinatakda ng IATF base sa Alert Level 2 status ng Bulacan at ayon sa Department Memorandum 085 na inilabas nitong December 2021 sa ilalim ng “Guidelines for the Implementations of the Expanded phase of the face to face classes”.