Mga Bulakenyong batang atleta, nag-uwi ng medalya mula sa Batang Pinoy 2023

Published

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

May kabuuang 36 na medalya ang naiuwi ng mga batang atleta mula sa Bulacan na lumahok sa Batang Pinoy 2023 na ginanap sa ilang lugar sa Tagaytay at Maynila noong Disyembre 17-22, 2023.

Nagwagi ang delegasyon ng Bulacan ng 1 Ginto para sa Arnis; 2 Tanso para sa Athletics; 1 Tanso para sa Archery; 2 Ginto, 4 Pilak, 4 Tanso para sa Chess; 3 Ginto, 1 Pilak para sa Gymnastics; 7 Ginto, 5 Pilak para sa Swimming; 1 Pilak para sa Taekwondo; 1 Pilak, 3 Tanso para sa Weightlifting; at 1 Pilak para sa Wrestling.

Binati ni Gobernador Daniel R. Fernando ang mga nagwagi sa Batang Pinoy sa ginanap na Lingguhang Pagtaas ng Watawat na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasium dito noong Lunes at kanya ring pinuri ang kanilang matagumpay na pagrepresenta sa lalawigan sa nasabing kumpetisyon.

“Binabati ko ang ating mga batang atleta na lumahok at nag-uwi ng medalya sa katatapos lang na Batang Pinoy 2023. Malaking tagumpay ang inyong naiuwi hindi lamang para sa inyong sarili kundi maging para sa ating lalawigan. Mabuhay kayo at nawa ay marami pang Kabataang atleta ang sumunod sa inyong yapak,” ani Fernando.

Ang Philippine Youth Games o Batang Pinoy ay isang pambansang kumpetisyon sa palakasan sa Pilipinas na idinisensyo para sa mga indibidwal na may edad 15 taong gulang pababa. Maaari ding lumahok sa Batang Pinoy ang mga out-of-school youth.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

SM City Baliwag Empowers Local Artists Through Art for Everyone

SM City Baliwag has turned into a vivid canvas...

Cozy Bites and Feel-Good Flavor at Grandma’s Sandwich in SM City Marilao

There’s a certain kind of magic that only a...

Affordable housing units to rise in New Clark City under 4PH program

By Maria Asumpta Estefanie C. Reyes NEW CLARK CITY, Tarlac...

SCTEX Luisita interchange expansion eyed to ease travel, spur jobs in Tarlac

By Maria Asumpta Estefanie C. Reyes TARLAC CITY (PIA) --...