Bulacan Department of Public Works and Highways (DPWH) First District Engineering Office Head Henry Alcantara
GUIGUINTO, Bulacan—Inaasahang mabubuksan na sa mga motorista ang walong buwang isinara at ginawang Tabang bridge sa bayang ito na isang vital infrastructure patungo at nagkokonekta sa Manila North Road (MacArthur highway), North Luzon Expressway (NLEX) at Cagayan Valley Road.
Ang Tabang bridge sa Guiguinto, Bulacan na isinara. Sa Notice ng DPWH, mahigpit na ipinagbabawal ang pagdaan ng malalaking trucks sa detour road upang hindi ito masira. Larawan ni Anton Luis Reyes-Catindig
Ayon kay Bulacan Department of Public Works and Highways (DPWH) First District Engineering Office Head Henry Alcantara ginagawa nila ang lahat upang matapos na ang nasabing pagawain upang muli ng madaanan ang Tabang bridge.
Dahil sa mahabang mga araw ng naging pag-ulan ng mga nakakaraang buwan ay nabalam ang sana ay nakatakdang matapos na tulay nitong nakaraang buwan.
Isinara noong Enero nitong taon ang 200 metrong haba na nasabing tulay upang palitan ito ng bago sapagkat ito ay 30 taon na at sadyang luma na. Gayundin, nilaparan na ngayon ang nasabing tulay.
Dahil din sa sunod-sunod na mga pag-ulan, maya’t maya rin ang pagsasaayos ng tanggapan ni Engr. Alcantara sa north and south detour road ng mga sasakyan patungo sa kahabaan ng MacArthur Highway papuntang Baliwag at Monumento, Cagayan Valley Road at NLEX.
Tambak-lubak ang nangyari sa nasabing detour lalo na ang north bound lane sapagkat doon din dumadaan ang mga dambuhalang trucks tuwing hating gabi at madaling araw.
Ang detour roads ng Tabng bridge na isinasaayos ng DPWH First District Engineering Office subalit agad ding nasisira dahil sa mga naging pag-ulan at pagdaan ng malalaking trucks kung saan ay malinaw na ipinagbawal na dumaan. Larawan ni Anton Luis Reyes Catindig
Ikinadismaya ito ni Guiguinto Mayor Ambrosio Cruz Jr. sapagkat ang mga trucks daw na ito na overloaded at umiiwas sa NLEX dahil nagpapatupad doon ng anti-overloading law ang siyang nagpapalubak sa maayos na detour na ginawa ng tanggapan ni Alcantara.
Guiguinto Mayor Ambrosio Boy Cruz.Photo from Mayor Ambrosio Boy Cruz official page
Bilang pangulo ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) Bulacan Chapter, nakipagpulong na siya kay Alcantara upang mahigipit na ring ipatupad sa Mac-Arthur Highway at Cagayan Valley Road ang nasabing anti-overloading law upang proteksiyonan ang mga kalsadang iyon kabilang ang bubuksan muling Tabang bridge.
DPWH Second District Engineer George Santos
Patuloy namang isinasagawa sa third and fourth districts na sakop ni DPWH Second District Engineer George Santos ang mga pagsasaayos ng mga ilog upang hindi ito umapaw bunsod ng mga pag-ulan.
Umupo na sa bago niyang puwesto nitong Miyewrkules si Department of Energy Undersecretary Donato "Doning" marcos bilang bagong presidente ng National Power Corporation (NPC). Facebook photo CTTO
PAOMBONG, Bulacan–Umupo na sa bago niyang puwesto nitong Miyerkules si Department of Energy Undersecretary Donato “Doning” Marcos bilang bagong presidente ng National Power Corporation (NPC).
Nagsilbing Energy undersecretary si Marcos mula 2014.
Bago iyon ay halal siyang alkalde ng Bayan ng Paombong at naging pangulo rin ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) Bulacan Chapter. Nahalal din siyang vice mayor ng Paombong noong bago siya mag-mayor.
Si Marcos din ang kasalukuyang chairman ng PDP-Laban sa Bulacan at kinikilalang isang mataas na lider pulitika sa lalawigan. Siya ay isang mining engineering graduate at isang contractor bago nasabak sa pulitika sa Paombong. Isa rin siyang farmer sa kanyang bayan.
Siya ang kabiyak ni curent Paombong Mayor Mary Anne Marcos.
Sa panahon ni Usec Marcos bilang mayor ng Paombong, unti-unti muling sumigla ang nasabing bayan. Isa rito ang pagpapagawa at pagsasaayos ng munisipyo, palengke at iba pang mga pampublikong imprastraktura.
SIYUDAD NG MALOLOS–Inaasahang mapapalakas ang contact tracing sa mga close contacts ng mga nag-positibo sa COVID-19 upang maagapan sila mula sa nasabing sakit dahil may mga dagdag na contract tracers na makukuha ang provincial, municipal and city governments sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa mga Disadvantageous and Displaced Workers (TUPAD) na programa ni Senator Joel Villanueva.
Ayon kay Gob. Daniel Fernando, Bulacan COVID-19 Task Force chair, pinagbigyan ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello ang sulat-kahilingan niya na na maglaan pa ng dagdag na pondo sa Bulacan sa ilalim ng TUPAD program upang makapag-hire pa ng mga dagdag na contact tracers.
Kailangang-kailangan umano ito ng Bulacan sa ngayon upang tapatan at labanan ang muli na namang lumaganap na COVID-19 sa panibagong anyo nitong Delta variant.
Ibinalita naman ni Atty. Kenneth Lantin, hepe ng Employment Services Office ng Bulacan Provincial Government o ng Capitolyo na sa Metro Manila lamang unang pinayagan na ang TUPAD funds ay magamit din sa contact tracers at ito nga ay magagamit na ngayon sa lalawigan dahil sa kahilingan ni Gob. Fernando.
Dagdag ni Atty. Lantin, bagong programa ang mangyayari sapagkat ngayon pa lamang magha-hire sa ilalim ng TUPAD emergency employment ng mga displaced workers dahil sa pandemya na magta-trabaho bilang contract tracers sapagkat ang pangkaraniwang trabahong ibinibigay sa mga TUPAD-hired ay paglilinis sa kapaligiran.
Sinabi ni Gob. Fernando na mas mabuting pagiging contact tracers ang maging trabaho ng benepisyaryo ng TUPAD sapagkat mas kailangan ang mga contact tracers ngayon upang labanan ang sakit na COVID-19.
Pinangunahan ni Gob. Daniel Fernando at Board Member Alex Castro ng ika-4 na distrito ang pagtanggap ng sahod ng may 600 TUPAD beneficiaries kasama ang proponent ng programa na si Sen. Joel Villanueva nitong Biyernes sa Bulacan Sports Complex sa Siyudad ng Malolos. Larawan ni Anton Luis Reyes Catindig
“Ang paglilinis ng ating kapaligiran ay napakahalaga rin subalit may mga volunteers tayo diyan at ang isinusulong din natin ay volunteerism kaya’t mas magagamit ang ating pondo sa TUPAD para sa contact tracers,” ani ng gobernador sa panayam ng NEWS C CORE.
Ayon kay Dra. Hjordis Marushka Celis, Bulacan COVID-19 Task Force vice chair. habang tumataas ang bilang ng mga COVID-19 cases sa Bulacan ay mas lalong kailangan ang mga contact tracers.
Sa pinaka huling tala ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO), pumalo na sa 52, 783 ang COVID-19 cases sa lalawigan habang ang recoveries ay nasa 50,000. Nananatili namang mataas pa rin ang Active Cases na 3,699 at ang mga namatay ay 1,086.
Bukod pa sa contact tracers sa ilalim ng TUPAD ay tuloy pa rin ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa pag-hire sa nauna nilang mga kinuhang halos 400 contact tracers para sa provincial government at sa 21 bayan at 3 siyudad sa Bulacan.
Ayon kay DILG BulacanDirector Darwin David, ang mga kinuhang contact tracers mula Pebrero-Agosto ay muling magtatrabaho hanggang sa katapusan ng buwan ng Setyembre. Ganoonpaman ay may bago umanong ibinabang memorandum ang kanilang national office na i-e-extend pa ito hanggang sa Disyembre 31.
Ngayong taon ay mayroong inilaang P19-Bilyong halaga ang programang TUPAD matapos itong ipanukala at isulong ni Senator Villanueva. Noong isang taon na unang putok ng pandemya ay mayroong P6-Bilyon ang pondong inilaan ng national government upang mabigyan ng emergency jobs ang mga nawalan ng trabaho dulot ng health crisis na COVID-19.
Nitong Biyernes ay mayroon na namang TUPAD beneficiaries ang kumubra ng kanilang sahod. Ito na yata ang ika-20-30 beses na ang iba’t ibang grupo p sektor ng mga Bulakenyong nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 lock downs and restrictions ay nabigyan ng tabaho sa ilalim ng TUPAD program ng senador.
Sa kasalukuyan ay nasa senado na ang batas na inihain ng senador na gagwing permanenteng job emergency program tuwing pandemya at kalamidad ang TUPAD program. Sa illaim ng kanyang bagong panukala, ang bilang ng araw na ipagtatrabaho ng mga susunod na TUPAD beneficiaries ay hindi lamang 10-araw kundi maaaring umabot sa 20-30 araw at sasahod ng minimum wage.
Sa kasalukuyan, nasa P370-P550 per region-based minimum wage ang sahod ng TUPAD beneficiary sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Pinangunahan ni Gob. Daniel Fernando, DTI-Bulacan Provincial Director Edna Dizon, Provincial Agriculture Officer Gloria Carillo at iba pang opisyales ang pagbubukas ng bagong tayong Coffee Processing Center sa barangay Talbak, Donya Remedios Trinidad, Bulacan na pinondohan ng Department of Agriculture (DA). Habang nilagyan naman ito ng mga kasangkapan at kagamitan sa tulong ng Shared-Service Facility (SSF) ng Department of Trade and Industry (DTI). (Shane F. Velasco)
Ni Shane F. Velasco, PIA Bulacan
Sa loob ng pasilidad na pinondohan ng DA, inilagak ang mga kasangkapan na ipinagkaloob naman ng Department of Trade and Industry (DTI)-Bulacan sa ilalim ng Shared-Service Facility (SSF) na nagkakahalaga ng P230 libo.
Sinabi ni DTI-Bulacan Provincial Director Edna Dizon na kumpleto sa mga pangunahing kasangkapan at kagamitan ang ipinagkaloob ng ahensiya gaya ng Mechanical Solar Dryer na patuyuan ng mga beans ng Kape, Winnower Machine na naghihiwalay ng mga laki o liit ng mga beans, Mellanger Machine o gilingan, Moisture Meter o ang sumusukat kung tuyo o hindi pa ang mga beans at ang timbangan.
Kaugnay nito, tiniyak ni Gobernador Daniel R. Fernando na patuloy na magsasagawa ng iba’t ibang pagsasanay ang Provincial Agriculture Office (PAO) para sa mga magkakape sa Donya Remedios Trinidad upang tunay na maiangat ang antas ng kabuhayan at kalidad ng mga produktong Kape.
Dahil sa tumataas na bilang ng mga turistang umaakyat sa nasabing bulubunduking bayan, minarapat ng mga kasapi ng Talbak Fruits and Coffee Growers Inc. na magtayo ng isang Kapihan na ngayo’y patuloy na dinarayo. Iba pa ito sa mainam nang kalidad ng packaging na iniluluwas sa malalaking merkado sa Metro Manila. (SFV/PIA-3/BULACAN)
Tinanggap ngayong hapon ni City of Malolos Mayor Gilbert Gatchalian ang mga kahon ng ayuda packs mula kay Senator Joel Villanueva para sa mga mas higit na nangangailangang residente ng siyudad habang nasa ilalim ng MECQ ang Bulacan Agosto 16-31. Larawan ni Anton Luis Reyes Catindig
LUNGSOD NG MALOLOS–Bumaba agad ang ayuda packs para sa mga residenteng higit na nangangailangan ngayong Lunes na unang araw pa lang ng August 16-31 Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa lalawigan ng Bulacan.
Nagkaloob si Senator Joel Villanueva ng 2,600 boxes of milk, choco drinks and three-in-one coffee sa Lungsod ng Malolos, Lungsod ng San Jose del Monte at Lungsod ng Meycauayan at mga Bayan ng Baliwag, Pulilan, Guiguinto, Bocaue at Balagtas mula sa nakuha niyang donasyon ng isang pribadong food company.
Sa pamamagitan ng nasabing ayuda packs, ang mga kababayan nating apektado ng dalawang linggong MECQ at maaaring mawalan o mabawasan ng pagakakakitaan ay mayroon ng dagdag na pagkain para sa kanilang pamilya. Bukod sa pagkakakilala kay Villanueva bilang (Technical Education Skills Development Authority) o TESDA Man noong nakaraang mga taon, higit na nakilala ang Bulakenyong senador ngayong panahon ng pandemya dahil sa naisabatas niyang ‘Doctor Para sa Bayan” law at ang marami ng natulungang kumita at magkatrabahong mga displaced workers sa ilalim ng Tulong Panghanapbubay sa Ating Disadvantageous/Displaced (TUPAD) Workers program na isang emergency employment ng gobyerno para sa mga manggagawa na apektado ng COVID-19 pandemic.
Mula P6-Bilyon TUPAD budget noong isang taon ay higit na marami na ang nakinabang sa nasabing programa ngayong 2021 dahil naitaas ng senador sa P19-Bilyon ang pondo para dito.
Ang harapan ng Bulacan Medical Center kung saan makikita ang mga tents o triage, ang unang destinasyon ng mga pasyente bago gamutin. Larawan ni Anton Luis Reyes Catindig
SIYUDAD NG MALOLOS–May 200-300 nurses at medical staffs mula sa Department of Education (DepEd), Philippine National Police (PNP) kabilang ang ipagkakaloob ng Department of Health (DOH) ang gagamitin muna ng Capitolyo upang punan ang pangangailangan sa serbisyo medical sa Bulacan Medical Center (BMC) dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa lalawigan, ayon kay Bulacan COVID-19 Task Force Chairman, Gob. Daniel Fernando matapos niyang pangunahan ang simpleng programa sa selebrasyon ng ika-443 taong Anniversary ng Bulacan kahapon, Agosto 15.
Ayon sa gobernador ay inaasahang magagamit na ang serbisyo ng nasabing mga nurses sa Hiyas Pavilion Vaccination Center ng lalawigan at sa mobile vaccinations at gayundin sa ibang non-COVID-19 assignments matapos pumayag ang DepEd at PNP at ang DOH sa sulat kahilingan niya sa mga ito noon pang isang buwan na humihingi ng medical manpower reinforcements bilang dagdag na bahagi ng ipinapatupad niyang Bulacan COVID-19 Hospital Surge Plan simula nitong Abril.
Taliwas sa pagbatikos ni Bise Gob. Wilhelmino Sy-Alvarado sa nasabing Surge Plan ng Bulacan at ini-lockdown daw ang ibang building at facilities ng BMC at hindi binubuksan sa publiko subalit maaari pa umano itong mag-accommodate ng 300 beds habang nakapila at nagtitiis sa tents or triage ang mga pasyente, sinabi ng gobernador na pansamantalang hindi magamit ang naturang pasilidad dahil kulang na umano sa mga nurses and medical staffs na maaari pang makatugon sa dagdag pang pasyente.
Kaya pagtitiyak niya, ngayong padating na ang mga nurses ay gagamitin na iyon.
Ang tinutukoy na mga pasilidad ay ang second floor Intensive Care Unit (ICU) at ang third floor Oncology Section na nasa Maternity Building ng BMC, ayon kay Bulacan COVID-19 Task Force Vice Chair Dr. Hjordis Marushka Celias.
Matatandaang sa ipinatupad na Hospital Surge Plan, ang Bulacan Infection Control Center (BICC) at ang unang palapag ng Maternity Building ng BMC ay ginawang COVID Center at ang mga may ibang sakit at hindi COVID ay sa pitong district hospitals ng Bulacan gagamutin.
Muling paliwanag ni Gob. Fernando sa concern ni Bise Gob. Alvarado na hinahayaan lamang sa tents or triage ang mga pasyente, na testing center ang triage at doon nag- undergo ng swab test ang pasyente at kung negative ay dadalin sa district hospital na pag-gagamutan at kung positive ay sa BICC-BMC dadalin
Sinabi naman ni Celis na kinailangan muna nilang i-padlock ang nasabing pasilidad upang hindi tulugan ng mga bantay ng pasyente at upang pangalagaan ang maseselang medical equipment doon.
Ayon pa kay Celis, inilipat na rin nila ang HIV hub na Luntiang Silong sa Out Patient Department na naroon din sa Maternity Building upang ang mga pasyente dito ay hindi dapuan ng COVID-19 sapagkat mahihina umano ang resistensiya ng mga ito. Ang kanilang nilipatan ay may sariling entry and exit, dagdag niya.
Ganunpaman, nilinaw ni Gob. Fernando na hindi isasabak sa COVID-19 Centers ang mga school and police nurses kundi sa vaccination centers lamang sila.
Inihayag naman muli ng gobernador bilang tugon sa muling issue na inilutang ng bise gobernador sa mahigpita na pangangailangan na umano ng Bulacan na bumili ng bakuna, na hindi bibili ang Bulacan dahil binigyan na umano siya ng pagtiyak ni IATF Chief Implementer Secretary Carlito Galvez na may sapat na bakuna na ibababa ang national government para sa mga Bulakenyo kaya hindi na kailangang bumili.
Dagdag pa ng gobernador na hindi na talaga bibili ang Bulacan dahil napatunayan ng ibang local government units na bumili ng bakuna na matagal ito bago dumating sapagakat priority ng mga manufacturers sa buong mundo na unahin na bigyan at bentahan ang national governments.
Ayaw ng gobernador na matulog lamang umano ang pera ng lalawigan kahihintay kung bibili ito ng bakuna samantalang malakas ang gastos ng probinsiya sa PPE’s, face mask, mga gamot tulad ng Remdecivir at iba pa.
Si Gob. Daniel Fernando, Bise Gob. Wilhelmino Sy-Avarado at iba pang opisyales ng Bulacan sa ginawang simpleng pag-aalay ng bulaklak ng bayaning si Marcelo Hm Del Pilar sa harapan ng Capitolyo sa pagdiriwang kahapon ng ika-443 taong anibersaryo ng lalawigan. Larawan ni Anton Luis Reyes Catindig
“Napakalakas natin sa PPE’s, sa mga gamot, bukod sa sinabihan tayo ni Secretary Galvez na huwag ng bumili, matutulog lang ang pera natin sa vaccine na matagal naman makakarating sa atin tulad ng nakita natin case sa ibang lugar”.
Ayon kay Bise Gob. Alvarado, nasa 13% pa lamang o 351,000 ng 2,600,000 required herd immunity ng Bulacan mula sa 3.8 milyong residente ang nababakunahan. Aniya, mahirap umasa sa national government dahil mataas din ngayon ang cases sa Visayan region at malaking kaagaw iyon sa ibibigay ng national government sa lalawigan.
Sa ngayon ay 3,109 ang active cases sa lalawigan habang pumalo na ang mga kaso sa 49,421, habang 1033 ang deaths at 45,279 recoveries.
Sa kabila nito bilang mensahe sa mga kababayang Bulakenyo sa Araw ng Bulacan ay patuloy umano na dapat manatili ang pasasalamat at pag-asa ng bawat isang Bulakenyo sa mga biyayang natatamo nito at ng lalawigan lalo na sa mga higit na pag-unlad sa ngayon at ang mayaman nitong kultura, kasaysayan at kalinangan
Pahabol ng gobernador na tuloy ang Singakaban Festival ngayong taon subalit sa pamamagitan lamang ng virtual programs katulad noong isang taon dahil sa umiiral pa ring pandemya.
Ang tema ng Singkaban Festival ngayong taon na nagsimula kahapon ay “Paglingon, Paghilom, Pagbangon”.
Ang lalawigan ay isinailalim sa pangalawa sa mahigpit na restriction na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) mula ngayon Agosto 16-31.
ANGAT, Bulacan–Hindi na naiwasang magpahayag ng pagkadismaya at pagkalungkot ang itinuturing na “The Living Legend Angat Bulacan Mayor Leonardo “Narding” De Leon” matapos na siya ay patuloy umanong tawagin at ikumpara ng kanyang kalaban sa pulitika sa nakakamatay na COVID-19 virus habang patukoy din umano ang pagpapakalat ng fake news laban sa kanya tungkol sa P50-Million at P7-Million halaga ng financial assistance para sa kanilang mga residente.
Muling nagpahayag ng paglilinaw at sagot ang alkalde tungkol sa nabanggit na mga issue sa pamamagitan ng isang video post sa kanyang social media account noong Huwebes kasabay ang hinaing dahil sa siya umano ay tinukoy ng kanyang kalaban sa pulitika na COVID-19 virus dahil ang kulay ng kanyang uniporme sa partido ay pula na kakulay ng virus.
“Huwag kayong patangay sa mga walang magawa kundi sirain ang aking buhay. Tanungin ninyo silang mga umuupak sa akin kung ano ang naihandog o nagawa nila para bayan. Pati mga bogus accounts naglagay na kayo, pati ba naman COVID-19 virus ay ako. Ako daw ang virus, kami daw, dahil pula ang aming uniporme (kulay ng partido),” madamdaming pahayag ng alkalde.
Masugid na sumunod sa SAP distribution guideline
Muling ipinaalala at nilinaw ng alkalde sa kanyang mga kababayan na hindi siya pumayag sa ibang nanunungkulan sa kanilang bayan na hatiin sa mas maliit na bahagi ang ipinamigay ng Department of Interior and Local Government (DILG) na P1,000-P4,000 na financial assistance mula sa Special Amelioration Program (SAP) nitong nagdaang Abril matapos isailalim muli sa lockdown ang Bulacan kasama ang Metro Manila, Laguna, Cavite at Rizal dahil sa muling pagpalo ng bilang ng mga COVID-19 cases.
Aniya, maganda ang layunin ng ibang nanunungkulan aa kanilang bayan na hatiin iyon upang mas marami ang makinabang subalit mahigpit umano ang utos at tagubilin ng national government na bawal hatiin iyon at hindi niya sinuway ang bilin at utos na iyon.
Ganunpaman, paliwanag ng alkalde na may dalawang barangay na hindi naging maayos ang mga listahan ng residenteng tatanggap at ito ay pinaayos pa muna umano ng tanggapan ng Department of Social Welfare and Development at ng Angat Municipal Social Welfare Office sa mga kapitan bago maibigay.
Dahil umano sa nagkulang ang nasabing pondo dahil base pa sa 2015 census ang inilaan ng national government na pondo, ay hiniling niya sa sangguniang bayan na maglaan ng P7-Milyon partikular para sa mga hindi nabigyan at ngayong ang pondong ito ay lumabas na umano ay sinisiraan na naman siya na siya ay nagnakaw ng pondong ito at siya ang nakinabang.
Muling paglilinaw ng punong-bayan na sa dalawang mga pondo–P50 Milyon at P7-Milyon ay wala siyang nahawakan dito ni singko dahil direkta ang pondo mula sa gobyerno papunta sa mga kapitan na siya ring gumawa at nagsumite ng listahan ng mga benepisyaryo.
Masama ang loob ni Mayor De Leon sapagkat tatlong bahagi ng kanyang buhay ang inialay niya sa Bayan ng Angat at alam iyon ng kanyang mga kababayan, katunayan ay halos sa munisipyo na siya tumira para mamuno at maglingkod subalit tinatapunan siya ng ganitong mga paninira ng kanyang kalaban sa pulitika.
“Halos dito na tayo tumira sa pamahalaang bayan, noon fourth class municipality ang Bayan ng Angat at ito ay naitaas natin sa first class. Nagpagawa tayo ng mga eskuwelahan, mga kalsada, at iba’t iba pang proyekto. Sa kabila nito ang sinasabi ng ating katunggali, wala daw tayong ginagawa. Nakikita ninyo ako araw araw tumutulong sa mahihirap. Pagbibintangan ako sa P50-Milyon ng aking katunggali subalit may guidelines ang DILG na hindi maaring hati-hatiin. Ngayon may bagong issue. Ito daw P7-Million na hiniling natin na aprubahan para makatanggap ang mga hindi nakatanggap ay ninakaw ko daw, pareho pong ang mga pera na iyan ay hindi pinadaan sa atin kundi sa DSWD at mga kapitan. Sa listahan po ng mga kapitan nagkaroon ng problema,” pahayag niya.
Living Legend and idol
Si Mayor De Leon ay kinikilala bilang isang Living Legend Mayor hindi lamang sa Bulacan kundi maging sa buong bansa dahil sa edad niyang 83 ay 57 years siya sa paglilingkod sa gobyerno partikular sa Bayan ng Angat.
Gayundin, hindi amang siya isang alamat ayon kay Guiguinto Mayor Ambrosio Cruz Jr. at pangulo ng Bulacan Mayor’s League kundi si Mayor Narding daw ay kanyang idol, pahayag nito sa NEWS CORE.
Ultimong ai Gob. Daniel Fernando ay hinahangaan, kinikilala at ipinagmamalaki si Mayor De Leon bilang Alamat na Mayor ng Bulacan.
“Tayo ay kilala at tinatawag hindi lang sa ating lalawigan kundi maging sa buong Pilipinas bilang isang Legend dahil sa tagal natin sa paglilingkod bilang alkalde na tayo na lang yata sa ngayon ang may record ng pinakamatagal na naglilingkod at dahil din sa mga parangal na natatanggap ng ating bayan sa iba’t ibang larangan,” dagdag ni Mayor De Leon.
Sa ano mang laban sa ano mang posisyon sa Bayan ng Angat ano mang panahon at taon ay hindi nakatikim ng talo ang alkalde.
Graduate ng four year course degree sa Manuel L. Quezon University (MLQU) at kalaunan ay nagtapos din ng law sa University of the East, nagsimulang maglingkod sa pamahalaan si Mayor De Leon bilang empleyado ng Capitolyo noong 1964. Kalagitnaan ng 1965, na-appoint siyang technical assistant employee sa pamahalaang bayan ng Angat.
Naging halal na konsehal siya ng bayan taong 1971-1980 at vice mayor mula 1981-1987 hanggang naging OIC mayor noong 1986 Edsa Revolution noong matapos i-appoint ni noo’y Pangulong Corazon Aquino.
Hanggang ngayon ay wala siyang talo bilang mayor at pagiging vice mayor.
CALOOCAN CITY-- MARILAO, BULACAN QUARANTINE CONTROL POINT. Nakamasid sa Police Quarantine Control Point na ito si News Core reporter/columnist Vhioly Rosatazo-Arizala kung saan mahigpit na hinahanapan ng pulisya ng karampatang ID at iba pang mga documento o travel pass ang mga motoristang papasok sa Bulacan kaugnay ng utos ni Bulacan Gob. Daniel Fernando na higpitan ang mga borders ng lalawigan. Larawan ni Roel Arizala
SIYUDAD NG MALOLOS–Pito na sa ngayon ang kumpirmadong COVID-19 Delta variant cases sa Bulacan at lahat ito ay mga umuwing Filipino Workers (OFW)’s at mga nagtatrabaho sa Metro Manila.
Apat na kaso mula sa City of San Jose del Monte, City of Malolos, Pandi at Guiguinto ang pinakabagong nadagdag sa unang tatlong kaso mula sa Bayan ng San Ildedonso, Sta. Maria at Plaridel.
Ayon kay Dr. Betzaida Banaag, health officer ng City of San Jose del Monte, ang Delta case nila ay isang empleyado sa National Capital Region na kasalukuyan ng naka isolate sa kanilang lugar.
Ang kaso sa Pandi ay isa ring worker sa Metro Manila ayon kay Pandi Mayor Enrico Roque habang ang sa Guiguinto ay isang kauuwi lang na OFW ayon kay Guiguinto Mayor Ambrosio Cruz Jr. at ang kaso naman sa Siyudad ng Malolos ay isa ring OFW ayon kay Dr. Hjordis Marushka Celis, vice chair ng Bulacan COVID-19 Task Force.
Ang kaso sa Sta. Maria ay returning OFW rin habang ang kaso sa Plaridel ay isang worker sa Metro Manila.
Ayon naman kay Dr. Celis, hinihinala na sa national region lang din nakuha ng San Ildefonso case ang Delta variant sapagkat wala itong ibang exposure malban doon sa ospital sa national region. Nagpunta doon ang biktima para magpa-medical check up.
Sa ngayon ay nasa 47,393 ang mga kaso sa lalawigan simula Marso 2020 habang 970 ang mga namatay at 43,607 ang recoveries.
Sa huling tala na ibinigay ni Dr. Celis kay Gob. Daniel Fernando, may 2,296 na active cases sa lalawigan sa ngayon, 230 dito ang nasa Bulacan Infection and Control Center (BICC) at Bulacan Medical Center at 1,921 ang nasa home and facility quarantine.
Nananatiling nasa General Community Quarantine with heightened restriction ang Bulacan until August 15 ayon kay Gob. Fernando at kung hindi na tataas pa ang mga kaso ay nakakalamang na hindi na niya ito irerekomemda sa IATF na itaas sa hihgher restriction na Enhanced Community Quarantine (ECQ) or Modiefied Enhanced Community Quarantine (MECQ).
“Ang lahat ay nababahala. Bagama’t nais natin ang paghihigpit para sa kaligtasan, ang karamihan sa atin ay naniniwala na hindi natin kakayanin ang bumalik pa sa pinakamahigpit na quarantine. Sisikapin natin na mapababa ang kaso sa pamamagitan ng ating mga naunang direktiba,” pahayag ng gobernador.
“Sa kabila ng ating pananatili sa GCQ with heightened restrictions, may kakaibang paghihigpit ang ating isasagawa. Paiigtingin natin ang ating pagbabantay sa ating borders, pagpapatupad ng minimum health standards. Makakapasok pa rin sa trabaho, ba-byahe pa rin ang nasa transport sector, bukas pa rin ang mga establishment para sa essential services. Ito po lahat ay alinsunod sa itinakda sa atin na community quarantine status,” dagdag pa niya.
Ayon naman kay Mayor Cruz, nakahanda silang sumunod sa gusto ni Gob. Fernando kung hihilinging isailalim sa ECQ o MECQ ang buong lalawigan. Ganunpaman sa ngayon, aniya, ay talagang nag-higpit na sila sa Guiguinto. Ipinagbawal na niya sa ngayon ang lahat ng dine-in sa mga restaurants at puro take out na lamang at ibinalik niya ang kanya-kanyang market day ng mga barangay.
Pinangunahan ni Mayor Leonardo De Leon ang pamimigay ng 3,600 ayuda packs na kaloob ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa Bayan ng Angat. Kasama niya ang ilan pang opisyales ng bayan kabilang si Municipal Administrator Claris R. De Leon at ang tubong Bayan ng Angat na si dating ABC ng Bayan ng DRT Leobardo "Jumong" Piadozo at iba pang opisyales ng Bayan ng Angat. Larawan ni Anton Luis Reyes Catindig
ANGAT, Bulacan–Mahigit 3,000 mga residente sa bayang ito ang tumanggap ng ayuda packs na ipinagkaloob ng Iglesia Ni Cristo (INC).
Pinangunahan ni Mayor Leonardo De Leon ang pamimigay ng 3,600 ayuda packs na kaloob ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa Bayan ng Angat. Kasama niya ang ilan pang opisyales ng bayan kabilang si Municipal Administrator Claris R. De Leon at ang tubong Bayan ng Angat na si dating ABC ng Bayan ng DRT Leobardo “Jumong” Piadozo at iba pang opisyales ng Bayan ng Angat. Larawan ni Anton Luis Reyes Catindig
Lubos ang pasasalamat ni Mayor Leonardo De Leon sampu ng mga kasama niyang naglilingkod mula sa pamahalaang bayan kaya’t pinangunahan niya ang pamimigay nito sa kanyang mga kababayan nitong Biyernes sa Pres. Diosdado Macapagal High School.
Isa sa mga libong mamamayan ng Angat ang tumanggap ng ayuda pack mula sa Iglesia Ni Cristo na ipinamamahagi ni Angat Municipal Administrator Claris De Leon na anak ni Mayor Leonardo De Leon. Larawan ni Anton Luis Catindig
Umabot sa 3,600 ang kabuuan ng mga ayuda packs na naipamigay sa mga kapos-palad na residente sa 16 na barangay.
Ayon kay Mayor De Leon, malaki ang kanyang pasasalamat sa buong kapatiran ng INC lalo na sa namamahala sa pangunguna ng Executive Director nito na si Eduardo Manalo sapagkat palagian itong tumutulong sa Bayan ng Angat.
Si Rjay Aquino, isang Army Reservist at BSU Criminology student ay isa sa mga reservists (ROTC) na tumutulong sa pagbubuhat at pagsasaayos ng mga ayuda packs na ipinagkaloob ng Iglesia NI Cristo. Makikita sa larawan si dating ABC ng bayang ng DRT, Leobardo “Jumong” Piadozo na isa ring mahusay na Army Reservist.
Kaagapay ni Mayor De Leon sa pamimigay ang mga army reservist sa pangunguna ng tubong Angat na dating ABC ng Bayan ng DRT na si Kapitan Leobardo “Jumong” Piadozo at municipal administrator Claris R. De Leon na kanyang anak at iba pang mga opisyales ng bayan.
SIYUDAD NG MALOLOS, BULACAN, PHILIPPINES—Recovered na ang tatlong kaso ng Delta variant sa Bulacan habang ang 4 sa 23 close contacts ng mga ito na nag-positibo matapos ang Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test ay kasalukuyang naka-strict household and facility quarantine.
Ayon kay Brian Alfonso, Bulacan Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU) Surveillance Officer ay hindi pa malalaman sa ngayon kung infected din ng Delta variant ang 4 na nasabing close contacts na nag-positibo dahil kasusumite lamang sa Philippine Genome Center sa Quezon City ang specimen na kinuha sa kanila sa nasabing RT-PCR test. Ang Delta case sa San Ildefonso ay mayroong 9 close contacts at 1 lamang dito ang nag-positibo na siya na lamang naiwang mag-isang naka-lockdown ngayon sa loob ng family compound nito sa nasabing bayan.
Sa Delta positive naman sa Sta. Maria ay apat ang naging close contacts at isa lang din dito ang nag-positibo. Kasalukuyan itong mahigpit na naka-quarantine sa isang isolation facility ng munisipyo.
Sa Delta case sa Plaridel na pinakabagong naitala ay 2 sa 10 close contacts nito ang nag-positibo at mahigpit ding naka-household lockdown ang mga ito.
Ayon kay Alfonso, ang Delta case sa Plaridel ay nagtatrabaho sa Paranaque City na matapos mag-positive ay agad na umuwi sa kanyang bayan upang mag-quarantine. Agad itong nag-report ng kanyang kondisyon sa Plaridel municipal rural health unit, ani Alfonso.
Kasalukyang minominitor ang level of viral or infection ng 4 na nag-positibo na ito sapagkat iyon lamang umanong may mataas na infection or viral load level ang inuuna ma-laboratory test sa Philippine Genome Center dahil sa limitadong kapasidad nito habang dagsa sa ngayon ang mga specimen na sinusumite para ma-test.
Ayon kay Dr. Hjordis Marushka Celis, Bulacan COVID-19 Task Force Vice Chair, taliwas sa napabalitang report na nananatiling positive ang Delta variant case sa San Ildefonso, ito ay recovered na rin ayon umano sa Department of Health Region 3 Office Infectious Disease Specialist (IDS).
Ang Delta Delta variant case sa San Ildefonso ay isang residenteng nagpa-medical check-up lamang sa isang ospital sa Metro Manila ilang linggo ang nakakaraan at nalaman ngang nag-positibo sa Delta variant.
Ang Delta case naman sa Sta. Maria ay isang Overseas Filipino Worker (OFW) mula sa Sta. Maria na umuwi sa bansa noong June 29 at nag-positibo sa Delta variant noong unang linggo ng Hulyo.
Ang nag-positibo naman nitong nakaraang linggo sa Delta variant sa Plaridel ay isang empleyado sa Paranaque City. Ani Alfonso, matapos itong mag-positibo ay agad umuwi sa Plaridel upang mag-self lockdown at una nitong tinungo ang municipal rural health unit upang i-report nito ang kanyang kondisyon.
Ayon sa Bulacan Provincial Public Affairs Office, mula sa 773,398 na doses ng Astrazeneca, Sinovac, Pfizer at Janssen na dumating sa lalawigan ay 485,224 na ang naibakuna sa mga residente as of July 24.
Nasa150,073 ang nabakunahan ng kumpletong two doses at 335,153 ang first dose.
Inutos naman ni Gob. Daniel Fernando ang intensified contact tracing at ang mahigpit na pagpapatupad ng Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate (PDITR) Strategy laban sa COVID-19 partikular sa Delta variant.
Mayroong 43,897 cases ang lalawigan sa ngayon, 41,272 recoveries at 938 deaths.