STA. MARIA, Bulacan–Higit na palalakasin ang kultura at turismo sa mga bayan ng ika-6 na distrito–Sta. Maria, Angat at Norzagaray ang isa sa mga pangunahing isasagawa ni dating Norzagaray Vice Mayor Arthur Legaspi kapag ito ay naluklok bilang bokal ng nasabing distrito sa lalawigan ng Bulacan.
Nitong Pebrero 4 na kapiyestahan ng Sta. Maria kung saan ay sikat na tradisyon at kultura ang masarap na pagkaing tinumis o kilala rin bilang tinadtad at serkele ay itinampok niya ang pagluluto nito kasama ang sikat na na retiradong guro, Gng. Blanquita Pimentel Hernandez, na kilalang masarap magluto nito kasama ang pamosong food historian at culture and heritage icon ng Bulacan na si G. Jaime Corpuz.Â
Gayundin, binisita niya ang mga nagtitinda ng tugi sa harapan ng simbahan ng Sta. Maria at ang mga mag-chichicharon upang alamin kung paano pa lalong mapapalakas ang hanapbuhay ng mga taong umaasa sa mga tradisyunal at hitik sa kulturang mga industriya.
Habang patuloy na lumalakas ang industriya ng paggawa at pagbebenta ng chicharon mula backyard, micro, small, medium at large producers ay isusulong ni Legaspi na lalo pang madagdagan ang mga backyard producers upang patuloy na mapunan ng Sta. Maria ang high market demand sa chicharon hindi lamang sa bansa kundi maging sa labas ng bansa.
Gayundin, sa pamamagitan ng isang batas o kapasiyahan sa sangguniang panlalawigan ay pangungunahan niya ang pagkilala at patuloy na pag-preserba ng kultura ng pagtatanim ng root crop na tugi at pag-aani nito tuwing kapiyestahan ng Sta. Maria.
Sa Bayan ng Norzagaray ay patuloy niyang isusulong ang mga tourist destinations nito na tulad ng mga falls, rivers, mountains and caves. Nais din niyang pormal ng pangunahang ipakilala ang “Crispy Pata” bilang angking food delicacy ng Norzagaray.
Sa panahon ng kanyang magulang naisulat ang aklat ng kasaysayan ng Bayan ng Norzagaray, na nagmula sa pangalan ng isang ibon na “casay” at sinimulan ng itanghal ang Casay or “Casay-sayan” Festival tuwing Agosto 13.
Sa Bayan ng Angat, bukod sa espasol ay nais din niyang tumulong na itanghal ang iba pang mga ipinagmamalaking produkto nito.
Matatandaang ng mahalal na vice mayor si Legaspi noong 2013 ay ipinagpatuloy niya ang mga pangkasaysayan at kultura niyang proyekto ng itatag niya ang Norzagaray History Arts and Tourism Council (NCHAT) noong siya ay unang mahalal noong 2010 bilang lingkod bayan ng Norzagaray o bilang isang konsehal.
Gayundin, sa pagpapalakas ng turismo, kasaysayan at kultura ng tatlong bayan sa ika-6 na distrito ay itutuloy din niya ang mga nasimulan niyang pagtulong sa kanyang mga nasasakupan partikular ang mga may kailangan na medical and health needs tulad ng nebulizer, wheel chair, iba pang medical equipment kabilang ang mga gamot sa pamamagitan ng mga medical missions na kanyang palagiang ginagawa.
Ang mga magulang ni dating Vice Mayor Legaspi na sina dating Norzagaray Mayor Feliciano at Matilde Legaspi ay kapwa parehong mga doctor at ang maybahay naman niya ay isang dentista.
Sa ilalim ng partikular niyang alok na tema at uri ng paglilingkod na kanyang gagawin sa ika-6 na distrito, “ART LEGASPI, Serbisyong Straight from the HeART,” ay nais niyang i-aangat sa iba’t ibang larangan at aspeto ang ika-6 na distrito katulad ng mapagmalasakit ar tapat na paglilingkod na inialay ng kanilang pamilya sa kanilang Bayang Norzagaray.
Pahabol ni Straight from the Heart board member aspirant, kailangang kailangan ang mahuhusay na bokal lalo na sa ika-6 na distrito na isang bagong legislative district sa Bulacan katulad ng ika-5 distrito upang maitanghal ang sarili nitong mga pangangailangan.