
LUNGSOD NG MALOLOS—Idineklara ng African Swine Fever (ASF) free ang Lalawigan ng Bulacan habang tumanggap ng P6 na milyong halaga ng biodisinfectants mula sa Taiwan ang nasa 1,500 na mga hog raisers upang mapanatiling ligtas na sa sakit ang kanilang mga alagang hayop.
Ayon kay Bulacan Provincial Veterinary Officer Dr. Voltaire Basinang, ang buong Bulacan ay ASF-free na pagkatapos na ianunsiyo na ito ng Department of Agriculture (DA) office ng region 3 nitong Martes, Agosto 22 makaraang ang Bayan ng San Miguel ay maideklara na ring ligtas na sa nasabing sakit sa mga baboy.
Ang San Miguel na lang ang hinihintay na maideklarang libre na sa ASF, ani Basinabg sapagkat nauna ng kinilalang wala na ang sakit sa mga babuyan sa lahat ng 23 bayan at siyudad sa lalawigan.
Nasa pink category na ngayon ang Bulacan o nagsisilbing buffer zone na ang lalawigan ng mga nananatili pang red zone o may mga kaso pa ng ASF sa buong Central Luzon, ayon kay Basinang habang ang ibang lugar sa rehiyon ay nasa yellow at green categories na, kung saan naka recover na ang mga ito at ang iba naman ay nananatili namang hindi tinatamaan.
Humigit kumulang sa 4,000-5,000 ang mga hog raisers ang may mga farms na tinamaan ng ASF.
Ayon kay Gob. Daniel Fernando, malaki ang naging epekto sa mga industriya ng pagbababuyan sa lalaeigan ng tumama ang ASF noong taong 2017 at 2019.
Sa inisyatibo at paikipagtulungan ng Rotary Club of Malolos ay tinanggap ni Fernando at ni Basinang nitong Huwebes sa Hiyas ng Bulacan Convention Center sa siyudad na ito ang 22 plastic containers ng hypochlorus acid disinfectant laban sa ASF virus para sa mga maliliit na hog farms sa lalawigan mula sa Rotary International District of Changwa Central in Taiwan sa pamamagitan ng Global Grant at kasama rin ang Kaohsiung Fun Art .
Ayon kay Basinang, bawat isa sa 1,500 hog raisers ay tatanggap ng tig-20 litro ng nasabing biodisinfectants na mahusay na gamitin sa kanilang mga babuyan bago pa simulan ang pagpaparamai or growing period na tumatagal ng apat na buwan.
Nagpasalamat ang gobernador sa mga kababayang Rotarians sa Malolos sa pangunguna ng dati niyang kasama sa Provincial Board, Bokal Pacifico Aniag na siyang naging dahilan upang mapabilang ang Bulacan sa mga kinakaloobsn ng Rotary Club International bg Taiwan ng nasabing mga biodisinfectants kabilang rin ang mga nets.