Bulacan, ginunita ang International AIDS Candlelight Memorial

Published

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

External Affairs Division PPAO

LUNGSOD NG MALOLOS — Ginunita ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang International AIDS Candlelight Memorial kahapon sa The Pavilion sa Hiyas ng Bulacan Convention Center dito sa pamamagitan ng pagtataas ng kamalayan at paghihikayat ng suporta sa paglaban sa HIV at AIDS.

Isang mensahe ng pagkakaisa ang ibinigay ni Provincial Health Officer Annie Balingit mula sa Provincial Health Office – Public Health at iprinisinta sa libu-libong dumalo sa Lingguhang Pagtataas ng Watawat ang simbolikong pulang laso na sagisag ng patuloy na laban sa HIV at AIDS.

Binigyang diin ni Balingit ang dedikasyon ng Bulacan sa pagbibigay ng accessible healthcare services, partikular na sa pamamagitan ng mobile healthcare services, at pagsusulong ng karapatan ng mga indibidwal na nabubuhay at apektado ng HIV.

Pinagtibay ring muli ni Gob. Daniel R. Fernando ang pangako ng lalawigan na magkaroon ng lugar ng trabaho na malaya sa kadena ng HIV-related stigma at diskriminasyon.

Nagsisilbing taunang pagpupugay para sa mga buhay na nawala dahil sa AIDS, hinimok nito ang mga kalahok na magtipon at mag-alay ng panalangin hawak ang mga kandila na may pulang laso.

Gayundin, nagsisilbi ang memorial bilang paraan upang kilalanin ang walang katulad na dedikasyon ng mga taong walang sawang sumusuporta sa mga indibidwal na apektado ng HIV na naglalayong pagbuklurin ang mga komunidad.

Sa humigit-kumulang 38 milyong taong nabubuhay na may HIV sa buong mundo, layon ng aktibidad na buwagin ang stigma at diskrimasyon, alok ay pag-asa para sa mga bagong henerasyon.

Maaaring kumalat ang HIV sa pamamagitan ng pagpapalitan ng ilang body fluids kabilang ang dugo, gatas ng ina, semilya, at vaginal secretions, ayon sa World Health Organization.

Samantala, maaaring mabawasan ang panganib ng impeksyon ng HIV sa pamamagitan ng paglimita sa risk factors kabilang ang tama at palagiang paggamit ng condom at regular na pagpapasuri para sa HIV at iba pang sexually transmitted infections (STIs). 

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Calumpit fire kills 3 young children

CALUMPIT, Bulacan—Three young children were killed in a fire...

Bulacan governor gets green signal from Comelec to install OIC jail warden

CITY OF MALOLOS—The Commission on Election (Comelec) had already ...

UP Scientists Analyze Thin Films Deposited with Femtosecond Pulsed Laser

By: Eunice Jean C. Patron Traditional pulsed laser deposition (PLD)...

SSS and TESDA enter partnership arrangement for social security coverage of JO, COS workers

Around 3,800 Job Order (JO) and Contract of Service...