Bulacan malapit ng maabot ang herd immunity

Published

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Ni Anton Luis Reyes Catindig

LUNGSOD NG MALOLOS–Malapit ng maabot ng Bulacan ang herd immunity nito laban sa COVID-19 matapos na mapaakyat pa ang bilang ng nabakunahan sa isinagawang three day national vaccination nitong Lunes-Miyerkules.


Ayon kay Dr. Hjordis Marushka Celis, Bulacan COVID-19 Task Force vice chair, halos nasa 70% na ang mga may first dose at malaki ang naidagdag ng 199,613 na mga nabakunahan noong three day vaccination. 


Nauna ng ibinahagi ni Gob. Daniel Fernando noong Martes na nasa 55% na ng 2.8 million heard immunity ng lalawigan ang may first dose habang 45% naman ang second dose.
Noong Lunes, nagtala ng 46,529 na mga nabakunahan sa buong lalawigan, 51,788 noong Martes at 101,296 noong Miyerkules kaya’t umabot sa kabuuang 919,613. 


Patuloy pa rin ang pagbabakuna at inaasahan ni Gob. Fernando na makakasabay at makakasunod ang Bulacan sa target ng national government na marating ang herd immunity bago matapos ang taon.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

SM City Baliwag Empowers Local Artists Through Art for Everyone

SM City Baliwag has turned into a vivid canvas...

Cozy Bites and Feel-Good Flavor at Grandma’s Sandwich in SM City Marilao

There’s a certain kind of magic that only a...

Affordable housing units to rise in New Clark City under 4PH program

By Maria Asumpta Estefanie C. Reyes NEW CLARK CITY, Tarlac...

SCTEX Luisita interchange expansion eyed to ease travel, spur jobs in Tarlac

By Maria Asumpta Estefanie C. Reyes TARLAC CITY (PIA) --...