Bulacan Medical Center, COVID-19 na lang ang tatanggapin, sa mga district hospitals ang ibang sakit

Published

SIYUDAD NG MALOLOS—Gagawin ngayong centralized system ang pag-handle ng Provincial Government of Bulacan sa COVID-19 cases sa buong lalawigan sa pamamagitan ng pansamantalang pag-gamit sa Bulacan Medical Center bilang isang all purely COVID-19 hospital at ang mga pasyenteng may ibang mga karamdaman ay tatanggapin at gagamutin sa pitong district hospitals.

Ayon kay Gob. Daniel Fernando, ang programa ay base sa Bulacan COVID-19 Surge Design kung saan ang BMC OB Gyne Building ay gagamiting extension ng Bulacan Infection Control Center (BICC) upang ma-accommodate pa ang patuloy na dumaraming bilang ng mga COVID-19 patients sa lalawigan na kailanganag gamuitin sa hospital.

Ang bagong gawang Mega Quarantine Facility ng Bulacan sa Bulacan Sports Complex sa Sta. Isabel, Malolos City na naglululan ng 18-20 beds. NEWS CORE photo

Sa ngayon, ang 100-bed capacity na BICC na nagsimulang mag-operate noong kasagsagan ng pandemya noong isang taon ay nag-ookupa na ng 134 patients at aabot sa 200 pasyente ang kayang ma-accommodate kapag ginamit na ang halos katabing OB Gyne Building.

Paliwanang ng gobernador sa NEWS CORE, ang mga dumaraing ng sakit na pupunta sa BMC ay tatanggapin lang muna sa triage area o sa tent sa labas ng Out Patient Department. Doon ito ay isasailalim sa swab test, kapag negative ay dadalin sa emergency room ng BMC at gagamutin doon at kapag nag-stablize na at saka ililipat sa designated district hospital ayon sa karamdaman ng pasyente. 

Ang OB Gyne services ng BMC ay ililipat sa Calumpit District Hospital na kilala bilang isang maternity hospital. Gagamot din ito ng pediatric cases.

Ang Plaridel Infirmary Hospital na malapit lang sa BMC ay gagawing BMC Extension na magpo-focus sa out-patient services. Partikular itong magiging BMC Animal Bite Center.

Ang Emilio G. Perez District Hospital sa Bayan ng Hagonoy ay magsisilbi bilang Medical and Pediatric Hospital.

Ang Gregorio Del Pilar District Hospital sa Bayan ng Bulakan ay magiging surgical hospital samantalang ang San Miguel District, Baliwag District at Rogaciano Memorial Hospital sa Sta. Maria ay mananatiling general hospitals.

Ang critical non COVID-19 cases ay maaari ring dalhin sa Rogaciano at  Baliwag Districts.

Ayon sa gobernador, hindi na i-rorotate ng assignments ang mga doctors and nurses tulad ng ginagawang sistema kundi ang mga COVID-19 assigned doctors ay mananatili na lamang sa BICC at BMC at ang lahat ng non-COVID treating doctors ay sa kani-kanilang specialidad sa mga district hospitals.

Mahigpit na utos ng punong lalawigan na walang pasyenteng hindi maaaring tanggapin.

Ang Bulacan State University building na ginamit na quarters ng mga doctor at nurses ay gagawin ng recovery or step down facility ng mga pasyenteng lumabas na ng BICC.  

Ang Governance Center naman na quarantine facility ay sumailaim sa upgrading at ginawa itong medical treatment facility para sa mga front liners na tinamaan ng COVID-19.

Ginagamit na rin ang Mega Quarantine Facility na inisyatibong proyekto ng gobernador.

Mabilis na ipinatayo ni provincial engineer Glen Reyes, hepe ng Bulacan Provincial Engineering Office ang may halagang P16-Milyon na Mega Quarantine Facility sa Bulacan Sports Complex sa siyudad na ito na may 18-20 beds.

Binuo ang Bulacan COVID Surge Design na ito noon pang isang taon at dahil sa bumaba na ang mga kaso noong last quarter ay hindi na ito naipatupad, pahabol ng gobernador. 

Sa pinaka latest na tala ng Bulacan Provincial Health Office ay pumalo sa 24, 430 ang mga kaso sa lalawigan. Nakapaloob dito ang 3,305 active cases habang mayroong 292 fresh cases at 38 late cases. Umakyat naman sa 636 ang bilang ng mga namatay at 20, 489 ang recovery cases. 

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Rolling Arrays Joins Forces with Skyform to Lead HRM Transformation Across APAC

Rolling Arrays, Southeast Asia’s largest SAP SuccessFactors specialist, has...

Introducing Dury Dury | Malaysia Newest Durian Top Seller 2024

Dury Dury a new venture in sealed Durian delivery,...