Bulacan, pinarangalan ang mga nakatatandang Bulakenyo

Published

LUNGSOD NG MALOLOS – Kaisa ng sambayanan sa pagpaparangal sa mga nakatatanda sa bansa, tumanggap ang 80 sentinaryong Bulakenyo ng mga pagkilala, insentibo, at bag ng groceries mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office sa idinaos na Zoom teleconferencing noong Huwebes, Oktubre 6, 2022 kasabay ng pagdiriwang ng Linggo ng Katandaang ni Pilipino.

May temang “Older Persons: Resilience in Nation-Building (Katatagan ng Nakatatanda, Magtataguyod ng Kaunlaran), ipinaliwanag ng pinuno ng PSWDO na si Rowena J. Tiongson na alinsunod sa Panlalawigang Kauutusan Blg. 55-2018; Section 3, magkakaloob ang Pamahalaang Panlalawigan ng insentibong nagkakahalaga ng P10,000 at plake ng pagkilala sa mga sentinaryong Bulakenyo tuwing magdiriwang ng National Elderly Week.

Sinabi rin ni Tiongson na nagsasagawa sila ng mga biglaang pagbisita sa mga sentinaryong Bulakenyo upang masiguro na sila ay naaalagaang mabuti ng kanilang mga kaanak at upang tiyakin na naibibigay ang kanilang mga pangangailangan lalo na sa kalusugan.

Ibinahagi naman ni Commissioner Reymar R. Mansilungan ng National Commission of Senior Citizens, panauhing pandangal, ang mga kinakaharap na suliranin ng mga senior citizen at humingi ng tulong mula sa mga local senior citizen officer na maitala ang record ng kanilang mga miyembro.

 “Sa tulong po ninyo, sana makuha natin ang data ng mga senior citizen, pati ang kanilang health condition pati ang record ng kanilang mga trabaho. Para alam ng pamahalaan kung sino ang agad na kinakailangang tulungan,” ani Mansilungan.

Samantala, binati naman ni Gobernador Daniel R. Fernando ang mga sentinaryong Bulakenyo at senior citizens sa kanilang pagiging matatag sa kabila ng lahat ng pagsubok na naranasan ng lalawigan at nangakong palagi silang susuportahan.

“Congratulations po sa ating mga centenarian. Mapapalad po kayo. Ang inyo pong lingkod ay nakasuporta po sa inyo, kasama ang ating PSWDO Head Rowena J. Tiongson. Patuloy po kayong susuportahan ng Pamahalaang Panlalawigan,” anang gobernador.

Kabilang sa mga dumalo sa programa sina Commissioner Rainier Cruz ng NCSC at mga opisyal mula Office of Senior Citizens Affairs at Federation of Senior Citizens Associations of the Philippines-Bulacan Chapter.

Alinsunod sa Presidential Proclamation No. 470, idineklara ang unang linggo ng Oktubre bilang “Linggo ng Katandaang Pilipino” (Elderly Filipino Week Celebration) na nilagdaan ni dating Presidente Fidel V. Ramos noong September 26, 1994.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Revolutionizing Water Treatment: AQUARING’s Advanced Technology for a Healthier, Sustainable Future

Reurasia management corporation AQUARING, an Italian company revolutionizing water treatment...

Companies, stop striving for zero complaints

MANAGEMENT STRATEGIES Your customers' complaints could be the goldmine you’re...

IMPULSES: Indigenous struggles, speculative hope

 Herman M. Lagon It was an emotional moment when Rynshien...

Statement of the Commission on Human Rights welcoming RA 12006 or the Free College Entrance Examinations Act

The Commission on Human Rights (CHR) welcomes Republic Act...