Bulacan police, pinagningning ang parol ng pag-asa ng 120 detainees

Published

LUNGSOD NG MALOLOS–Pinangunahan ni Bulacan Police Director Col. Manuel Lukban Jr. ang pagpapailaw ng Christmas Tree ng Bulacan Provincial Police Office (PPO) sa Camp Gen. Alejo Santos sa lungsod na ito kagabi hudyat ng pasimula ng pagdiriwang ng Kapaskuhan at pagbibigay pag-asa sa buhay ng may 120 mga detinado o bilanggo na nasa kanilang pangangalaga sa loob ng kampo. 


Ayon kay Lukban, sadyang walang anumang palamuti ang inilawan nilang Bulacan PPO Christmas Tree sapagkat ang bawat isa sa kanilang miyembro provincial headquarters unit ang gusto niyang magsabit at magpuno ng mga dekorasyon.


Nauna ng nagsabit ang opisyal ng parol na yari sa kawayan na gawa ng kanilang mga detinato sa Camp Alejo at hiniling niya sa bawat miyembro ng Bulacan police headquarters unit na magsabit din nito upang makapagpanik ng pondo para sa mga bilanggo at maging sa mga Aetas at Bajaos na namamasko sa mga kalsada ng siyudad. 


Ang bawat parol na yari sa kawayan at makinang na plastic ay kailangang bilhin mula sa mga bilanggo sa halagang P200. Ang P150 ay iipunin upang ipambili ng pagkain at regalo para sa mga ito kabilang ang nasabing mga namamasko gayundin ang mga street children. Sa bawat P200 na ibinili ng parol ay may kapalit na raffle stub para sa raffle prizes sa kanilang Christmas party. 


Ang P50.00 ay direktang mauuwi bilang impok ng mga bilanggo upang magkaroon sila ng pondo..


Nagbigay si Lukban ng P5,000 seed money ng 120 na mga bilanggo upang ipambili ng mga materyales. 


“Hindi natatapos ang kanilang mundo at pagiging aktibo sa kanilang buhay dahil sa mga nagawa nila, kailangan natin silang tulungang maiwaksi ang isipan tungo sa mga mabubuting bagay lamang para sa kanilang pagbabago. Ngayong Kapaskuhan, naging makabuluhan ang kanilang buhay kahit pa sila ay nakakulong dahil sa ambag at kakayanan nila, munti mang proyekto at gawain ito,” pahayag ni Lukban sa NEWS CORE.


Karaniwang kaso ng mga bilanggo ang gambling, partikular ang online sabong, droga at mga dati ng nakasampang kaso na naaresto kamakailan lamang.


Ang Christmas Tree lighting ay isang simultaneous lighting ng Camp Olivas sa anim pang probinsiyang sakop ng regional command sa pangunguna ni Reg. 3 Police Director BGen Matthew Baccay.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

IMPULSES: Fishery fragility unfolds

By Herman M. Lagon     Poor fishing threatens Iloilo's economy and...

SOLUTIONS JOURNALISM PROGRAM ON SMALL-SCALE GOLD MINING LAUNCHED

Gibby Gorres MANILA, PHILIPPINES - Applications for a solutions journalism...

PGB reasserts ownership of 12-hectare property in Malolos

CITY OF MALOLOS – The Provincial Government of Bulacan (PGB)...

IMPULSES: Unmasking flaws in testing

By Herman M. Lagon THE NATIONAL Achievement Test (NAT) and...