Bulacan Provincial Jail lumuwag na, congestions, naiwan sa municipal at city jails

Published

SIYUDAD NG MALOLOS, Bulacan, Philippines–Magdadalawang taon na ngayong hindi na congested ang sitwasyon ng mga detainees sa loob ng Bulacan Provincial Jail subalit naiwan naman umano sa municipal and city jails ang pagsisikip, ayon sa mga concern officials.

Nagsimula umanong lumuwag ang bilangguan nang ipatupad ng mga courts ang plea bargaining agreement kung saan ang mga akusado ay maaari ng hindi ikulong habang dinidinig ang kanilang kaso. Ang karaniwan umano sa nag-benefit sa plea bargaining agreement na ito ay ang mga may kaso ng drugs na siya umanong nagpaluwag sa bilangguan ng 60-65%.

Ayon kay Warden Marcos Rivero nang simula niyang pamunuan ang jail noong last quarter ng 2019 ay mahigit 4,000 ang mga detainees subalit ngayon ay nasa 1,806 na lamang ito: 1,568 males at 238 female. Bago siya dumating sa bilangguan ay halos umakyat na sa 5,000 ang bilang ng mga detainees.

Isa pa rin umanong dahilan ng pagluwag ng kanyang pasilidad ay bunsod ng COVID-19 pandemic sapagkat simula ng pumutok ang pandemya hanggang sa kasalukuyan ay 15 pa lamang na akusado ang dinadala sa kanila.

Ani Rivero, buhat ng ipinatupad niya ang atas ng Department of Interior and Local Government na i-require na sumailalim sa RT-PCR test at magtala ng negative result ang maaari lamang na tanggaping detainee sa kanilang pasilidad ay dumalang na ang dinadala sa kanila.

Noong walang pandermic, tanging commitment order lang buhat sa korte at medical certificate ng akusado ang requirements para tanggapin sa provincial jail subalit dahil nga sa pandemya ay nadagdag pa ang negative result ng swab test.

Nabalitaan umano niya na marami sa mga iyon ang may commitment orders subalit dahil hindi na-s-swab test kaya’t hindi madala o mailipat sa panlalawigang piitan.

Aniya, dahil dito, nakatanggap siya ng mga reports na ang maraming jails sa 21 munisipalidad at 3 siyudad ay siya ngayong nagsisikip. Ayon kay Rivero, siya ay nababahala sa kondisyon ng mga bilanggo sa nasabing mga detention facilities.

Ayon pa kay Rivero, nabalitaan din niyang walang mag-pondo para sa swab test ng mga nakakulong sa municipal and city jails upang ang mga may commitment orders dito na mag-negative sa swab test ay ma-i-commit na sa provincial jail.

Ganunpaman ay taliwas ito sa ipinahayag ni Guiguinto Mayor Ambrosio Cruz. Jr. at pangulo ng Bulacan Mayor’s League sapagkat mayroon umanong nakalaang pondo sa bawat constituents ng mga bayan-bayan kabilang ang mga akusadong nakakulong sa kailangan nitong swab test dahil sa pakikipag-agreement umano ng mga local government units (LGU) sa Joni Villanueva Molecular Laboratory.        

Gayundin, aniya, may pag-uusap na ang mga LGU’s sa Bureau of Jail Management and Penology sa pagtatayo ng maayos, mas malaki at maluwag na jail facilities sa mga bayan-bayan upang hindi na maging congested ang sitwasyon ng mga detinado.    

Ipinagmalaki rin ni Rivero ang bagong mukha ng Bulacan Provincial Jail kung saan nagagamit na ng mga detainees ang roof top ng gusali sa oras ng kanilang trabaho na pag-lalala ng basket na pinagagawa ng taga-Marikina at ineexport.

Gayundin, nagtayo ng sariling high profile cell si Rivero para sa mga high profile detainees.

Ipinagmalaki rin ni Rivero ang aksiyong ginawa ni Gob. Daniel Fernando na pagprioridad na palakasin ang supply ng malinis na tubig sa piitan sa buong 24-hours upang masiguradong mas madalas nakakapaligo ang mga detinado at 27-7 ding malinis ang buong pasilidad.

Noong mga nagdaang panahon, aniya, de-bomba sa poso lamang, limitado ang supply at hindi malinis ang tubig na nakukuha ng mga detinado. Nagtayo rin ng sariling kooperatiba at tindahan ang mga detinado sa Provincial Jail upang maiwasan na ang pakikipakibili-bili sa labas at ang karaniwan nilang kailangang supply ng pagkain ay mabibili na rin sa pasilidad.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Bulakenyo leaders nanumpa sa National Unity Party (NUP)

LUNGSOD NG MALOLOS—Halos 200 na mga bagong miyembro ng...

Types of Events Featuring Motivational Speaker in the Philippines

In the ever-changing world of personal development and...

Types of Motivational Speakers in the Philippines

In the vibrant and diverse landscape of the...