Bulakenyo leaders nanumpa sa National Unity Party (NUP)

Published

Pinangunahan nina San Ildetonso Mayor Fernando “Gazo” Galvez (nasa unahan), City of Baliwag Mayor Ferdie Estrella, (pangalawa mula sa kaliwa), Atty. Antonio Ligon (sa kanan), kakandidatong alkalde ng Bayan ng San Miguel at iba pang mga aspirante para sa halalan sa Mayo 2025 at iba pang mga kandidato ang panunumpa sa National Unity Party (NUP) sa Bulacan na ilalim ng pamumuno ni Gob. Daniel Fernando bilqng provincial chairperson at national vice president for social development ng partido na ginanap sa Shangri-La Hotel sa Mandaluyong City noong Huwebes. Larawan ni Anton Catindig

LUNGSOD NG MALOLOS—Halos 200 na mga bagong miyembro ng National Unity Party (NUP) kabilang ang mga nakaupo, nagbabalik at bagong kakandidatong mga alkalde, bise alkalde at mga konsehales sa halalan sa Mayo 2025 ang nanumpa kay Bulacan Gob. Daniel Fernando, provincial chairman ng partido sa isang simpleng seremonya sa Edsa Shangri-La Hotel Sa Mandaluyong City noong Huwebes.

Ang panunumpa ay ginanap mahigit dalawang linggo bago ang Oct. 1-8 filing of the certificate of candidacy na itinakda ng Commission on Elections (Comelec) para sa halalan sa isang taon. Pinangunahan ni Bise Gob. Alexis Castro ang halos lahat ng mga department heads ng Bulacan Provincial Government sa pag-saksi sa nasabing panunumpa.

Nagbigay din ng buong suporta at pagtanggap sina NUP Secretary General Reginald Velasco at Deputy Secretary General Rex Dela Cruz sa nasabing panunumpa.

Ayon kay Velasco, bagama’t on-leave siya bilang secretary general ng NUP dahil kailangan niyang maging neutral matapos siyang maitalaga noong 2022 na secretary general ng halos lahat ng partido sa Kongreso, ay sadyang malapit sa kanyang puso ang NUP kaya’t hindi niya maaaring hindi daluhan ang seremonya.

Pinuri ni Velasco ang tambalang “Fernando-Castro” at sinabi nitong “suicide” ang hinaharap ng sino mang magtangakang lumaban sa duo. “Meron bang gustong mag-suicide sa Bulacan sa halalan sa Mayo 25,” aniya.

Pinangunahan ni City of baliwag Mayor Ferdie Estrella at San Ildefonso Mayor Fernando “Gazo” Galvez ang mga nakaupong alkalde na nanumpa sa NUP habang si dating Mayor Leonardo “Narding” De Leon naman para sa mga magbabalik na mayor sa darating na halalan. Kabilang naman sa bagong kakandidatong alkalde na nanumpa ay si Atty. Antonio Ligon, dating bokal ng ikatlong distrito na kakandidato bilang mayor ng Bayan ng San Miguel.   

Labing tatlo mula sa 24 na mga incumbent mayors—Eladio Gonzales Jr. ng Balagtas, Ronaldo Flores ng Donya Remedios Trinidad (DRT), Enrico Roque ng Pandi, Bartolome Ramos ng Sta. Maria, Jocell Vistan ng Plaridel, Mary Anne Marcos ng Paombong, Maria Rosario Ochoa ng Pulilan, Elena Germar ng Norzagaray, Glorime Faustino ng Calumpit, Henry Lutao ng Marilao, Francis Juan ng Bustos at sina Galvez at Estrella.

Nagpahayag ng pasasalamat si Gob. Fernando dahil patuloy na dumarami na ang mga miyembro ng NUP family sa kanyang minamahal na lalawigan ng Bulacan gayundin dahil sa pamumuno at pag-gabay ng lider ng kanilang partido, NUP Chairman Ronaldo Puno.

Sa kanyang mensahe, mahigpit na tinanggap ng gobernador ang mga bago at lilipat sa kanyang pinangungunahang partido ang mga incumbent at lalahok pa lamang sa 2025 election na mga mayors, vice mayors, konsehales. “Welcome po mga bagong miyembro ng ating pamilya, isinusulong nating palawakin pa ang sakop ng ating adhikain. Our nation with one future, for our province of Bulacan. Karangalan kong pangunahan ang inyong sabayang panunumpa. Malugod namin kayong tinatanggap at niyayakap sa ating pamilya, Narito kayo ngayon dahil tumugon tayo, kayo sa atas ng Panginoon, ang maglingkod ng tapat, at mapanagutan sa ating lalawigan at siguruhing maramdaman ng bawat Bulakenyo ang kaunlarang ating niyayakap. Walang pinipili, walang maiiwan,” pahayag ng gobernador.

Dagdag nito, ang Bulacan umano ay dumanas ng  maraming mga problema at pagsubok, partikular  ang mga sakuna at kalamidad ngunit kailanman ay hindi nagpatinag ang mga Bulakenyo.  “Lagi tayong tumitindig dahil sa pagkakaisa. Ito po ang gusto nating mapanatili hanggang sa mga susunod na taon,” aniya.

Inamuki at binilinan din ng pu ong lalawigan na maglingkod ng tapat sa bansang Pilipinas at sa lalawigang Bulacan at kani-kanilang mga bayan ang kanyang mga bagong kasama sa NUP.

“Maglingkod tayo sa ating mga kababayan ayon sa prinsipyo ng ating NUP, ng ating lapian. Maigting na paniniwala sa Diyos. Maigting na pagsulong ng demokrasya, ng katarungan at pangangalaga sa ating Inang Kalikasan. Lahat ng ito ay upang sigurihin ang kaligtasan at kapakanan ng bawat Bulakenyo. Isapuso po natin ang ating nagkakaisang layunin which is to glorify God in serving our people. Ito na po ang simula ng ating pagsasama-sama, ng ating pagsulong. Pagpapatuloy ng magandang pagbabagong aitng pinagsisikapan tungo sa mas marami pang tagumpay para sa ating mahal na lalawigan ng Bulacan. Cheers to a new chapter of our unity. Maging totoo tayo sa ating mga nasasakupan. Tayo po ay manindigan at maging totoo sa ating lapian.,’ dagdag pa niya.

Ibinahagi rin ng ama ng lalawigan na marami ang nag-aalok sa kanya na ibang partido, pero nanatili siya sa NUP dahil naniniwala siya sa integridad nito at katapatan sa samahan ng bawat lider at miyembro nito at sa paglilingkod sa bayan. Ang NUP, aniya, ay may coalition sa Partido Federal ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon naman kay Bise Gob. Castro, sa dami ng mga bago nilang kapamilya sa NUP na manunumpa ng oras na iyon ay halos hindi sila magkasya sa function room ng nasabing hotel samantalang noong unang laban nilang dalawa ni Gob. Fernando noong 2022 ay halos walang sumama sa kanila dahil tila walang naniniwala sa kanila noon sa kanila at sa partido nilang NUP.

“Ang bawat aksiyon at desisyon natin sa pagsasama-samang ito ay para sa bayan, para sa ikabubuti ng karamihan at hindi para sa isa o sino mang kandidato. Kapag may mabuting ugnayan ang mga kandidato, ang nagwawagi ay ang ating bayan, ang ating dakilang lalawigang Bulacan. Hangad natin na ito pa lamang ang simula ng ating sama-samang paglilingkod,” pahayag ni Castro.

Pinuri ng pangalawang ama ng lalawigan ang matalinong pamumuno ni Fernando bilang provincial chairperson at vice president for social development ng NUP na siyang dahilan ng lalong pagiging matatag ng partido at lalo’t higit ng lalawigang Bulacan.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Revolutionizing Water Treatment: AQUARING’s Advanced Technology for a Healthier, Sustainable Future

Reurasia management corporation AQUARING, an Italian company revolutionizing water treatment...

Companies, stop striving for zero complaints

MANAGEMENT STRATEGIES Your customers' complaints could be the goldmine you’re...

IMPULSES: Indigenous struggles, speculative hope

 Herman M. Lagon It was an emotional moment when Rynshien...

Statement of the Commission on Human Rights welcoming RA 12006 or the Free College Entrance Examinations Act

The Commission on Human Rights (CHR) welcomes Republic Act...