Bulakenyo, malaya pa ring iboto ang gusto kahit si VP Leni ang  inendorso-Gob. Fernando

Published

LUNGSOD NG MALOLOS–Pormal at opisyal na ngang inendorso ni Gob. Daniel Fernando ang pagkapangulo ni Vice President Leni Robredo para sa darating na May 9 election subalit nagpasubali itong malaya pa rin ang kanyang mga kababayang Bulakenyo na mamili at iboto ang sarili nilang gusto. 


Bagama’t umano nakapili na siya ng kanyang susuportahan para sa presidency ng bansa sa paparating na halalan sampu ng kanyang mga kasamang naglilingkod at maglilingkuran sa lalawigan ay hindi niya didiktahan ang kanyang mga nasasakupan na sundin ang kanyang napili. 


Ganunpaman, aniya, ang kanyang desisyong pagsuporta kay VP Leni ay isang bukas na pagkakataon upang pag-isipan ng marami kung bakit ito ang kanyang pinili at maaaring makapanghikayat din ito sa kanila. 


“Ito po ay hindi para kayo impluwensiyahan. Di ko po kayo pinapangunahan kundi open way po ito para malalim na maunawaan natin ang pangangailangan natin ng mabuting leader para sa kabutihan ng ating bansa, mapagkalingang serbisyo, lider na may puso at talino, katatagan, katapatan at kakayahan upang maiangat ang buhay ng lahat ng Pilipino,” pahayag niya.

“This is it. Ito na po iyon. Napakahalaga po ng araw na ito. Marami po ang naguluhan ang isip, marami ang nagtatanong. Ito na po ang araw para tapusin na natin ang lahat ng iyan at ang mga nagugulumihanan,” sinabi rin ng gobernador tungkol sa pagpapahayag na niya kung sino ang kanyang sinusuportahan.


Malugod naman itong tinanggap at pinasalamatan ni VP Leni at sinabing isang halimbawa ang gobernador ng tunay na may malalim na paglilongkod at pagmamahal sa kanyang bayan at sa ating bansa dahil sa pagpili sa mabuting pamamamahala sa kabila ng maaaring malagay sa peligro ang sarili niyang laban.

“Ang katulad ni Gob. Dan ang dapat tularang lingkod bayan na hindi tiningnan ang hindi makabubuti sa kanyang sarili kundi ang para sa bayan. Puwede naman na hindi na siya mag endorse lalo na publicly dahil hindi naman tayo leading sa survey at baka makaapekto sa kandidatura niya pero matapang niyanh inihayag ang kanyang pag-suporta sa atin,” ani Robredo. 

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

10 Telegram Game Airdrops in November, Play the Games and Get Free Coins!

Discover 10 Telegram games offering exciting airdrops in November...

New “Weekday Boost” Promo to Celebrate Karaoke Manekineko Lippo Mall Puri’s Anniversary!

Karaoke Manekineko Lippo Mall Puri is celebrating its anniversary...

National Press Club reinvigorates fight vs. fake news 

PHILIPPINE DAILY INQUIRER Correspondent and NEWSCORE publisher and editor-in-chief...

PCO: ‘SAFER Culture’ key to safer future in fight against fake news

Clark, Pampanga, November 8, 2024 – The Philippine government...