Bulakenyo pinuri ang pagsama ni Mayor Isko kay PRRD sa senate slate nito

Published

LUNGSOD NG MEYCAUAYAN–Pinuri ng maraming mga lider ng Bulacan ang pagsama ni Aksiyon Demokratiko presidential candidate Mayor “Yorme” Isko Moreno Domagoso kay Pangulong Duterte sa senatorial ticket nito sa halalan sa Mayo 2022 at sinabing magandang desisyon ang ginawa ng alkalde. 

Ayon kay City of San Jose del Monte Mayor Arthur Robes isang magandang hakbang ang ginawa ni Mayor Isko. Aniya, maaaring ipakahulugan umano sa kilos na iyon na gusto ng presidentiable mayor ng kakampi kaya nito isinama sa senatorial line up nito si Pangulong Duterte. 

“Marahil gusto ni Yorme na magkaroon ng kakami, ng matatag at malakas na kakampi at isang magandang hakbang ang ginawa niyang iyon,” pahayag ni Mayor Robes sa NEWS CORE.

Ayon naman kay Guiguinto Mayor Ambrosio Cruz. Jr., pangulo ng League of Municipalities of Bulacan, matalinong hakbang ang ginawa ni Yorme Isko sapagkat ang politics ay “addition” at si Pangulong Duterte ay hindi lang basta addition kung hindi matinding addition o kasama.

“Trying to be politically correct” naman ang pahayag ni Mayor Maritz Ochoa-Montejo.

Nanuna rito ay ikinatuwa ng mga alkalde ng lalawigan ang pagpuri ng alkalde ng Maynila sa Pangulo sa mahusay umano nitong pamumuno sa bansa sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Bumisita kamakailan lamang sa lungsod na ito at gayundin sa Capitolyo sa kabiserang Siyudad ng Malolos si Mayor Isko at nakipagdaupang-palad sa mga mamamayan at maging sa ilang mga opisyales. 

Sinabi ni Yorme Isko na deserving si PRRD na papurihan o bigyan ng credito  sa pamumuno sa bansa partikular sa pagharap nito sa pandemya.

Ang katatapos lamang umano na three day national vaccination noong Nobyembre 29-Disyembre 1 ay isang bagay na nararapat na purihin sa kabila ng ilang mga tanong at di malinaw na sistemang ipapatupad ng national government noong unang tumama sa bansa ang COVID-19 Marso noong isang taon.

Ang pagbabakunang ito ay isinagawa sa gitna ng paglitaw ng Omicron na bagong variant ng COVID-19. Mahigit limang milyong Filipino ang nabakunahan sa tatlong araw na vaccination na ito.

“Pangamba at takot sa impeksyon, pangamba at takot sa hanapbuhay, dahil dito, nagdulot ito ng konting pagkakalito But life must go on. We give credit where credit is due,” he said.

“Totoo naman kapuri-puri yung ginawa ni Pangulong Duterte at ng IATF, kung saan yung mga lokal na pamahalaan na nabakunahan na namin. Lahat tumulong naman sa probinsya, which ginawa namin,” dagdag niya.

Dagdag pa ni Yorme, bagama’t hindi naging perpekto ang administrasyong Duterte, marunong naman umanong makinig ang Pangulo at itinatama nito ang kanyang mga tao na nagkakamali sa kanilang trabaho at ginagawa. 

“May mga bagay na di perpekto. Pero as long as nakikinig yung leader doon sa talbog o pagkakadapa ng kanyang mga tao at ikinocorrect naman niya, that’s what you call learning the lesson and moving forward”. 

“Tulad halimbawa, yung sa face shield, in-argue ko yung isang ahensya ng gobyerno pero nakita mo naman dininig ni President Duterte yung request ng taumbayan. Ako, in-echo ko lang naman,” dagdag niya.

Ayon oa sa 47-year-old presidential aspirant, ang mga kritisismo ay kailangang sangkap sa paglilingkod sa bayan subalit ito ay dapat nakabase sa public interest at hindi dahil lang sa kulay pulitika.

“So, you argue on the basis of pag alam mong makakasama sa tao. You have moral obligation to say it. Hindi yung makakontra lang dahil di mo kapartido,” aniya.

Sinabi rin niya na huhusgahan ng kasaysayan ang panunungkulan ni Pangulong Duterte sa kung paano niya tinupad ang kanyang pangko sa taong bayan. 

“He’s right. Nagawa niya yung dapat niya magawa kung ano man yung pinangako niya. ‘Yung history will judge him, not me. History will also judge me as Mayor of the City of Manila later on. For now, as far as we’re concerned, he’s still the President. He will do his part. As for me, as Mayor, I’ll do my part as Mayor,” he said.

Sa pakikisalamuha niya sa mga vendors sa Meycauayan market, sinabi niyang kung siya ay papalaring maging pangulo, ang kanyang liderato ay magiging “Fine, Prudent and Efficient” government.

Kasama ni Domagoso ang kanyang vice presidential running mate Doc Willie Ong bumisita siya at mag courtesy call kay Governor Daniel Fernando, Board Member Alex Castro at iba pang provincial officials.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Primeskills Powers Unforgettable VR Concert Experience at BSTARVERSE in Jakarta

Primeskills, Indonesia's immersive technology pioneer, partners with AMG to...

A Celebration of Community and Creativity at Canon PhotoMarathon 2024

The event attracted over 500 participants from all walks...

Abaddon sets out to ensnare players in its web – release date and price for Kong: Survivor Instinct revealed!

Polish indie studio, 7LEVELS, and Singapore based publisher, 4Divinity,...