BulSU graduate Top 4 sa Criminologist board exam

Published

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Ni Anton Luis Reyes Catindig 

LUNGSOD NG MALOLOS–Top 4 sa katatapos lang na 2021 Criminologist Licensure Examination ang 25 year old Magna Cum Laude graduate ng Bulacan State University (BulSU) at isang Meycauayan College graduate matapos parehong makakuha ng 89.45% na resulta sa nasabing board.


Si Jason Christian Terry Caballa ay nag graduate ng Magna Cum Laude noong September 2021 mula sa College of Criminal Justice Education (CCJE) ng BulSU habang si Kimbert Visto Vaje ay mula naman sa Meycauayan College. 
Si Carl Angelo Quiambao Pascua naman, mula rin sa Meycauayan College ay nakuha ang Top 10. rank sa result na 88.30% .


Si Caballa ay isa ring residente ng Lungsod ng Meycauayan. Kumuha siya ng criminologist board exam noong Disyembre kasabay ang iba pang mga graduates ng BS Criminology sa bansa. 


Si Caballa ay isa ring part time student at tumutulong sa kabuhayan ng kanyang pamilya sa munti niyang paraan habang nag-aaral at hanggang sa maka-graduate lalo na sa pag-aalaga sa nanay niyang may sakit hanggang sa ito ay gumaling.


Dahil sa dagdag na husay at talino ni Caballa sa information technology base sa sarili niyang interest dito at pag-aaral, ay nais niyang magsilbi sa bayan bilang isang cybercrime police officer upang gamitin ang kanyang nalalaman upang tumulong sa pag-puksa sa cybercrime offenses. 


May nakahanda namang cash incentive ang BulSU para jay Caballa dahil sa pagbibigay nito ng karangalan sa unibersidad at isang maalab na pagbati rin ang ipinaabot ni BulSU President Cecilia Gascon sa lahat ng kanilang graduates na pumasa sa 2021 board exam upang maging licensed criminologist. 

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

HAIL TO THE PATRON OF THE CARABAO’S MASTER.

Carabaos kneel in front of San Isidro Labrador Parish...

AECH release hometown-inspired new single “Highlands”

AECH's new single that stands out as a love...

P.A. Petroleum Resources Inc. opens Caltex Inosluban in Lipa City

Lipa City, Batangas — May 6, 2025 — P.A. Petroleum...

Bulacan has 10 new mayors

CITY OF MALOLOS—The province has ten new  mayors following...