Call Center recruiter patay sa pamamaril, suspek na pulis, nagbaril sa sarili

Published

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Ni Bong Cruz

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Philippines–Humantong sa kamatayan ang buhay ng magkarelasyon na isang call center recruiter at boyfriend nito na isang pulis matapos ang mainitang  pagtatalo sa loob ng isang sasakyan sa Mc Arthur Highway, Barangay Caniogan ng lungsod na ito kaninang madaling araw.


Sa ulat ng pulisya,  nakilala ang mga biktimang sina PCpl Clinton Paterno, 28, tubong Mountain Province at nakatalaga sa Malolos Police Community Precinct sa Barangay Bangkal at Maria Isabel Ganelo, 27 anyos, isang call center recruiter at residente ng No.117 St.Francis, Barangay Borol 2nd, Bayan ng Balagtas.


Batay sa imbestigasyon ni PCpl Alberto Escartin ng Malolos police, alas 3:00 ng madaling araw nitong Huwebes, lulan ang dalawang biktima ng isang colored white Ford Ranger XLT na may conduction sticker C2R903 na minamaneho ni Ganelo nang mapansin ng ilang Bantay Bayan ang pagewang-gewang na sasakyan sa kahabaan ng Mc Arthur Highway sa nabanggit na barangay.


Nang huminto ang sasakyan sa gilid ng highway ay nakarinig ang mga Bantay Bayan na may sumisigaw mula sa sasakyan at tila mga nakainom umano ng alak. Si Ganelo ay nagsalita na may baril ang kanyang kasamahan at pagkatapos ay itinapon ang susi ng sasakyan sa kalsada. Matapos marinig ng mga Bantay Bayan ang mainitang pagtatalo ay mabilis silang tumawag ng mga pulis para saklolohan ang dalawa.


Hindi pa man sila nakakabalik kasama ang mga otoridad ay patay na ang magkarelasyon sa hinihinalang isang insidente ng crime of passion.
Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na unang binaril ng pulis ng dalawang beses sa ulo ang kanyang karelasyon at pagkatapos ay saka nagbaril ito sa kanyang sentido. Idineklarang dead on arrival ng attending physician na si Dr.Nell Sioco ng Sacred Heart Hospital itong si Ganelo habang si Paterno na naitransfer pa sa JB Hospital sa San Fernando, Pampanga ay binawian rin ng buhay kaninang hapon.
Narekober sa loob ng Ford Ranger XLT ang isang .9mm Glock, 1 Colt US Magnum .22 revolver, basyo ng baril at ilang kagamitan ng mga biktima.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Bulacan governor gets green signal from Comelec to install OIC jail warden

CITY OF MALOLOS—The Commission on Election (Comelec) had already ...

UP Scientists Analyze Thin Films Deposited with Femtosecond Pulsed Laser

By: Eunice Jean C. Patron Traditional pulsed laser deposition (PLD)...

SSS and TESDA enter partnership arrangement for social security coverage of JO, COS workers

Around 3,800 Job Order (JO) and Contract of Service...

Taste More, Spend Less: A Summer Food Crawl Under ₱200 at SM Center Pulilan

When school’s out and the sun’s high, there's no...